Mas masaya pag may kabarkada kang magugulo at aminin natin,kunwari naaasar ka pero deep inside,natutuwa ka pag inaasar ka sa crush mo. Ang matindi pa doon, pag paparating na si crush, saka mag-iingay ang mga barkada mo. nakakahiya, magbu-blush ka kung maputi ka, pero ako kasi, hindi halata.
One time,sobrang hiya ko, dahil nagawa pang isulat ng kabarkada ko sa blackboard na may crush ako kay Arcie. "JC love Arcie" at next na magkaklase doon ay sila Arcie. natural, nabasa niya ang mensahe sa blackboard.
Wala na, buking na buking na ko. Pero aminin na rin natin, ganun naman talaga gusto nating mangyari, kunwari, "secret" , pero gustong-gusto mong ipaalam sa crush mo na mahal na mahal mo siya. diba?
Nagkaklase kami noon, at ang room namin ay nasa dulo malapit sa hagdan papuntang 2nd floor. May glass ang pintuan ng classroom namin kaya nakikita ko ang mga dumadaan. Sa tuwing may napapadaan, napapasulyap ako dahil iniisip ko, si crush yun.
Ayun! bigla akong tumayo at hindi na nakapag paalam sa prof ko. Nakita ko si crush dumaan at dali-dali akong lumabas ng back door. Para akong giraffe sa kakasilip kung saan na siya nagsuot.. Bigla siya nawala. Sabay nagulat ako ng makita ko siya sa harapan ko nakatayo at nakangiti!
Hala! hindi ko alam ang gagawin ko. Caught in the act, halatang inaabangan at hinahanap ko siya. Buti na lang mabilis akong mag-isip, hindi ko siya nginitian, pero kunwari, sumisilip -silip parin ako at sabay pasok sa classroom.
Nakakapanghinayang ang moment. Hindi ko alam kung ano nasa isip niya bat niya ginawa yun. Naiisip ko, baka gusto lang niya siguraduhin kung may gusto ba ko talaga sa kanya.
Sayang, may susunod pa kaya? 3rd year na kami, mas busy na sched sa school,
sana may next time pa..
YOU ARE READING
15 years love life
RomansaStory about love,friendship, trials and a happy beginning.