Malapit na ko mag 2nd year college, wala paring progress.
Hindi naman ako pwedeng magtext o tumawag sa cellphone number ng pinsan niya,nakakahiya. Naisip ko nga, regaluhan ko kaya siya ng cellphone?
Hindi rin, mahal pa ang cellphone ng mga panahong yun, at buti hindi ko ginawa, kasi magmumukha akong desperada.
Umaga ang pasok ko, pag vacant ko, niyaya ko ang bestfriend ko na si Angel na mag ikot-ikot sa buong engineering department. Dahil syempre, gusto kong makita si crush.
Kabisado ko na ang lahat ng tambayan nila ng barkada niya. Pati oras ng uwian niya, kahit alas tres ang last subject ko, nag-aantay ako hanggang 6 to 7 ng gabi para lang makasabay siya pauwi.
Feeling ko lang yun, pero hindi kami magkasabay.. nasa unahan siya at mga barkada niya at kami ng bestfriend ko, nasa likuran.
Oo, inaamin ko na, dati nilalait ko siya, pero ngayon, mahal ko na siya.
Ang hirap ng ganito, hanggang tingin na lang ako.
Hanggang tingin na nga lang ba? Oras na para lumevel-up naman.
YOU ARE READING
15 years love life
Roman d'amourStory about love,friendship, trials and a happy beginning.