YEAR 3: Level - up :)

686 10 0
                                    

Hindi ko na matiis na puro sulyap na lang ginagawa ko.

Kinaibigan ko ang isa sa mga close friend niya, na naging school mate ko rin nung highschool.

Kahit hindi ko direktang sinabing ipakilala ako,parang ganun na din ang mensahe ko,

"barkada mo pala si Arcie,nagtext kasi ko sa kanya minsan, pero hindi pa pala niya ako kilala"

mabuti, mabilis ang pick-up ng barkada niya, at agad akong pinakilala, pero sa pagkakataong hindi ko inaasahan.

nakatambay kami ng mga barkada ko sa labas ng school canteen, nung nakita ko ang barkada ni Arcie, kumaway ako, at maya-maya pa, nakita ko naman dumaan si Arcie, sabay bumalik at nakatingin sa akin at tumakbo. 

Syempre, kinilig ako, first time nagkatinginan ang mga mata namin. Ilang segundo lang yun, pero ilang taon ko ring inantay.

nakatambay parin kami ng mga barkada ko, sabay may lumapit sa aking babae na classmate ko nung highschool, binulungan ako at sabi sakin,

"kilala mo ba si Arcie? kasi kanina pa nakatingin sayo"

sabi ko,"Saan?" hinanap ko pa talaga, yun pala,nasa gilid lang namin, at kanina pa pala nakatayo.

Nginitian ko, at ngumiti rin siya sakin.

Sobrang kinikilig ako, feeling ko, katapusan ko na.. pwede na ko mamatay ng mga oras na yun.

Hay...nananaginip lang ba ko? "Angel, kurutin mo nga ko, baka nananaginip ako"

Sabay tunog ng bell, ala una na, may pasok pa pala kami..

Sayang, naudlot ang ngitian,, di bale, sigurado mas nakaka kilig ang susunod na mangyayari.

15 years love lifeWhere stories live. Discover now