YEAR 9: Pagsubok ~ part of life

486 7 0
                                    

Hindi maiiwasan ang pagsubok. Sino ba sa atin ang hindi pa nakakaranas niyan? Marami ang makakarelate sa istorya namin ni Philip dahil hindi pabor ang magulang ko sa aming relasyon. Hindi lang yan, idagdag pa natin ang extended family members ko at pati kapitbahay namin. 

Lahat ng tsismis naibato na sa amin, pero nanatili parin kaming matatag.

Nagtrabaho ako,para makatulong sa pag-aaral ni Philip. Iisipin ng iba, baliktad ata. Dapat lalake ang tutulong sa babae..para sakin, mali ang ganoong pag-iisip.

Lahat ay pantay-pantay. Kaya kung malawak ang pang-unawa mo, maiintindihan mo kung sino ang mas nakakagaan sa buhay, siya ang tutulong sa mas nangangailangan.

Tinulungan ko siya sa ikabubuti niya, sa paraang hindi siya magiging dependent sa akin.

"Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime."

-unknown

Paglipas ng mahigit 2 years,nakapagtapos na si Philip. Masaya ako, dahil kahit papano, may maipagmamalaki na din siya. Napatunayan namin sa aming mga magulang na hindi kami nagkamali sa mga naging desisyon namin. 

Remember : Lahat ng problema, may solusyon.  Minsan,madali, madalas mahirap. Kaya kailangan ng tatag at pasensya. Ang tagumpay ay pinagiipunan hindi yan kusang dumarating kung wala kang ginagawang hakbang.

15 years love lifeWhere stories live. Discover now