Ng magtapos sa kolehiyo si Philip, sumubok akong mangibang-bansa. Isang araw, habang kausap ko siya sa telepono.
"JC, pakasal na tayo?" bigla niyang tanong sa akin.
"Ano ka ba? Wala ka pa nga trabaho, saka malayo ako sa'yo. Wag muna." Para sa akin, tama lang ang naging desisyon ko, dahil wala pa kaming matatag na trabaho, mahirap bumuo ng pamilya kung wala pang sapat na pinansyal.
Hindi nagtagal, at bumalik ako ng pilipinas. Muli akong nagtrabaho, at isang araw..
Uy! 62 miss calls..andami pang text.. nagtataka ako, kung bakit, at sino.
"Hello, Lei, bakit?"
"JC, bilisan mo, puntahan mo si Philip sa Amang Rodriguez Hospital, naaksidente siya."
Patawid noon si Philip sa kalye ng mahagip siya ng isang humaharurot na jeep. Napailalim siya sa jeep, at nakaladkad pa ng mahigit 6 na metro. Mabuti na lang at nakita siya ng kabarkada niyang si Ron, at agad siyang naisugod sa hospital.
Sobrang kinabahan ako,mabuti na lang at hindi masyadong malala ang mga tinamo niyang sugat. Halos 3 linggo din siyang nagpagaling.
Maiksi lang ang buhay, wag natin itong sayangin sa puro kalungkutan, kasakiman at pakikipag-talo sa mga mabababaw na bagay.
YOU ARE READING
15 years love life
RomanceStory about love,friendship, trials and a happy beginning.