May nareceive akong text message, "Hi, si Arcie to, balita ko, magaling ka sa math, turuan mo naman ako"
fact #1: masaya ako,sa wakas, may cellphone na siya. pwede ko na siyang i-text at tawagan.
fact #2: akalain mo yun? hindi ako magaling sa math, pero nagpapaturo siya sa'kin? ahahaha. ibig sabihin... nagpapa-cute na kaya siya sa'kin?
Hay, gising JC! wag kang assuming, mahirap mag expect.
The next day...
Naglalakad ako sa hallway, nang nakita ko si Arcie, at nakangiti sakin. Alam kong magkakasalubong kami, pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko.. parang sasabog. Hindi ko mapigilan, yung dugo ko, ramdam kong dumadaloy sa buong katawan ko na parang race car na tumatakbo ng 230 MPH. Hala, nanginginig na ako, delikado na'to..hindi pwede, kaylangan makapag salita ako pag kinamusta niya ko. Sayang ang pagkakataon. Kami lang dalawa ang naglalakad sa hallway.. parang wala akong ibang nakikita at naririnig.. sa kanya lang naka focus ang mata ko.. "focus, focus, wag kang kabahan".. ayan na..
"Hi JC, kamusta? may klase ka pa ba ngayon?"
Shet !!!! narinig ko na rin ang boses niya, malalim na malumanay.. hay..mas naiinlove ako. (habang nakangiti)
"Ah... eh... uu e, meron pa kong klase, sensya na, nagmamadali ako" sabay lakad ng mabilis at iling..
tsk,tsk,, sayang na naman ang pagkakataon. Punong- puno ako ng pang hihinayang at pagsisisi ng mga oras na yun.
Paglampas ko, sabay sinilip ko siyang paakyat ng hagdan..
"sayang! ano ba naman JC! wala ka naman klase, pauwi kana.. ano bang kalokohan yan..asar! "
hay naku..
lesson learned : Minsan lang dumating ang pagkakataon, kaya dapat, pag -isipan mong maigi at wag mong palalampasin.
YOU ARE READING
15 years love life
RomanceStory about love,friendship, trials and a happy beginning.