YEAR 12 to 14: Business minded

499 7 0
                                    

Sa tagal na namin ni Philip, madami akong natutunan sa kanya. Mula sa pagiging madiskarte sa buhay, ang hindi aasa sa magulang o kaninoman at makuntento at maging masaya sa kung anoman ang meron ka.

Dati kasi, hindi ako masaya pag paubos na ang pera ko sa bulsa, palagi kasi akong nanlilibre dati, feeling ko, pag nanlibre ako, magiging masaya rin mga kaibigan ko. pero tinuro niya sakin, na pwede mong pasayahin mga kaibigan mo, kahit hindi ka naglalabas ng pera. Tamang kwento at tawanan lang, kahit ice tubig lang ang laman ng tiyan, pwede na.

Dati, palagi ko lang inaantay ang sasabihin ng mama ko, tapos hihingiin ko sa kanya kung ano man ang kailangan ko. Si Philip, iba. lahat ata ng diskarte para magkapera, alam niya. Magbenta ng second hand na gamit(sapatos,damit,cellphone,etc) at magaling pa siya mag sales-talk at nagbebenta ng kalakal (tanso,plastic,aluminum,bote). Minsan, pumapayag din siyang mautusan para rin magkapera. Mga simpleng diskarte pero marangal na paraan.

Higit sa lahat, mas naging positibo ang pananaw ko sa buhay. Dati, palagi lang akong nagkukulong sa bahay, hindi palaimik, pero natuto na rin akong gumala, at mag explore...parang c dora lang diba?

Dahil sa pinag-sanib naming diskarte at talino, nagsimula kaming magnegosyo. Mula sa pangarap hanggang sa natupad ang gusto naming magkaron ng sariling computer shop. Pwede na ulit kaming mag-adik.

15 years love lifeWhere stories live. Discover now