III: Leagues

8.3K 285 48
                                    

CHAPTER THREE: LEAGUES

"Pagpasensyahan niyo na si Ishun, his attitude's really like that. Anyway, I'm Chandria and I'll be your tour guide for today," Biglaang sulpot ng babaeng mahaba ang buhok at may katangkaran.

"Pasikat!" Sigaw ng lalakeng kasama 'nung matangkad kanina.

Nawala ang ngiti ng babae sa harap niya. Naikot nito ang mata at sinamaan ng tingin ang lalake. He winked at her as he waves his hand in the air.

Muli, bumalik ang atensyon nito sa kanila. "Tatlo lang kayong bago?" Tanong nito at dahan dahang pumunta sa kanya ang mga tingin nito. "And it's really surprising na may nakatalo kay Ayesha." She mumbled.

Kumunot lamang ang noo ni Hennessy at nanatiling tahimik. Kahit takang taka na siya kung sino ang tinatawag nilang 'Ayesha'. "So, handa na ba kayo? Let's just take a little walk around the island but since you three are new, there are still some things that you were forbid to know." She spoke as she starts walking. Sumunod sila sa kanya.

"As you can see, ang isla ay napapalibutan ng coconut trees. Ito ay para maitago ang ating lugar at nakasisigurong walang magdududa at magtatangkang pumasok." Patuloy lamang sila sa paglalakad. Tumigil sila sa harap ng isang bato.

Napataas ang kilay ni Hennessy. Bakit dito?

Napatingin siya sa gilid niya at nakitang parang nakapalibot na mataas na pader ang batong ito. Sa sobrang taas, nasisilayan na ng araw ang kanyang mga mata. "Saan dumaan ang iba?" Tanong ng isa sa likod niya. Chandria just smiled at them. "It's for us to know and for the three of you to find out." She just sighed.

Punong puno ng misteryo ang lugar na 'to. And one of the proofs is that this place can't be found in the internet.

Napatingin siya sa babae noong bigla itong naglabas ng grappling hook. Ngumingiti ito sa kanila habang iwinawasiwas ang rope. Biglaan at malakas ang pwersa niya itong ibinato para makawit nito ang dulo ng pader. She pulled the rope first to secure herself.

"Here, take this." Ani at ibinato sa kanila ang tatlong grappling hook na gaya ng kanya. "If you won't be able to climb the wall, you don't deserve to be here." Sabi niya at nagsimula na siyang umakyat.

Hennessy did the same. She once joined a competition in America for climbing. Sinali siya noon ng papa Kyer niya and by luck, she won. She rolled her hair into a bun first before continuing. Hinila niya muna ang rope para tignan kung hindi ito matatanggal. Once she felt secured, nagsimula na din siyang umakyat.

Pasalamat na lamang siya dahil naka-combat boots siya at hindi siya naka-skirt. Kung hindi ay mahihirapan siya ngayon. Dahil sa wala siyang pagkakapitan ay flat and pader ay medyo nahirapan siya dahil madulas din ito. She felt someone staring at her kaya siya napatingin dito.

Nahuli niyang nakatingin si Chandria sa kanya at nag-iwas naman ito agad ng tingin. Napakunot ang noo ni Hennessy. What's with these weird people?

Noong halos maabot na niya ang dulo ay nakita niyang biglaang tumalon si Chandria ng walang pag-aalinlangan. Bahagya siyang natigilan ngunit nagpatuloy pa rin.

She reached for the edge and helped herself climb up. Umupo muna siya ng panandalian dahil may pagkalawak ang pader. Then she looked down. Nanlaki ang mata niya noong nakitang sobrang baba ng kanyang tatalunin kung sakali. She has climbed so many walls in her life pero hindi ganito kataas.

In The City Of RuffiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon