CHAPTER FORTY EIGHT: THE PAST
"It's okay. I understand." Ani George kay Hannah. "Mahal ko kasi si Lexus, George. Mahal ko ang pinsan mo." Ulit nito.
Napapikit si George doon as he balled his fist. "I know, Hannah. I know." Ani. Ngumiti naman si Hannah at niyakap ang matalik na kaibigan.
George watched Lexus own it all. The throne, and the girl he loves.
"Putangina, hindi niyo kasi ako maintindihan!" Sigaw ni George. Nagtaka si Kyer sa asal ng kaibigan. "Bakit? Sabihin mo kasi para maintindihan ka namin!" Singhal din niya pabalik.
Tumulo ang luha nito at lumabas. Narinig niyang hinabol siya ng dalawang kaibigan ngunit hindi siya lumingon. 'Babalik ako' ani sa isip at umalis nang tahimik sa isla.
Kumulo ang dugo niya nang malamang nanganak na si Hannah. "Lulusubin natin ang isla." Ani sa mga tao niya. Naghanda ang mga ito ng mga armas.
'Kukunin ko ang islang binigay sa iyo ng aking ama, Lexus.'
Ang islang ito ay pagmamay-ari ng ama niya. Mas malapit ang loob ng ama niya kay Lexus at mas pinagkatiwalaan niya ito kesa sa kanya dahil na rin sa ugali nito.
'Kukunin ko ang dapat na sa akin.'
"Daddy?" Napatingin siya nang inosenteng tinignan siya ng anak niyang si Ayesha. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ng anak niyang may hawak na laruan. "Stay here with mommy, okay? I'll be going somewhere." Ani.
Madugo. Mabangis. Maraming namatay.
Mula nang lusubin nila ang isla ay walang kamalay-malay ang mga ito. "Ang bata ang hanapin niyo!" Sigaw ni George sa mga tao niya.
Unti unting tumulo ang luha niya nang makita kung sino ang nasaksak mula sa likod. Kaagad siyang lumapit dito at sinaksak ang isa sa mga tao niyang sumaksak kay Hannah.
Napatingin siya sa hawak nito. Tela ang laman. Nasaan ang bata?
Nang makarinig siya ng mga yapak ay agad siyang nagtago. Nagsalubong ang tingin niya nang makita si Lexus. Wala siyang sinayang na panahon at agad na binaril ito sa ulo. Tahimik siyang umalis ng Isla.
Kung nasaan an ang bata, hindi na niya alam.
Ngunit parang mabait nga naman ang tadhana sa kanya.
Napatingin siya sa papel kung nasaan ang mga impormasyon tungkol kay Hennessy. Hennessy Alexus Kang.
Kang.
Napangisi siya nang maalala ang taong isa sa mga pinagkatiwalaan niya.
Kyer.
Naiinis niyang binagsak ang kamao sa lamesa niya sa inis. That bastard! All this time, siya lang pala ang nagtatago sa batang ito!
Kagaad niyang pinahanap si Kyer at noong nahanap na nila ito ay wala na siya sa America. Sunog na ang bahay nila doon.
"Watch your back, kid." Ani. Kitang kita ang pagtataka ni Hennessy nang sabihin niya iyon.
"Kamukhang kamukha mo ang iyong ina." Ani. Nagulat si Hennessy sa sinabi nito. "Y-You know my mom?" Takang tanong nito.
"More than anyone in the world." They were the best of friends. Kung hindi lang dumating ang Lexus na iyan...
"Too bad she was stabbed." Sambit muli nito. Nagsalubong ang kilay ni Hennessy doon. Parang sobrang sakit sa kanya. "And you father was shot in the head..." He trailed and smirked. "...By me."
Kitang ktia na ang ugat sa leeg ni Hennessy sa sobrang pagtatagis ng panga niya sa inis. "Hayop ka! Wala kang awa!" Sigaw nito.
"What did my parents ever do to you?!" Sigaw parin nito. Panandalian natigilan si George.
Ang nanay mo, wala. Pero ang tatay mo, meron. Madami. He took everything from me.
"What's the point of knowing? You'll die anyway." Ani at tinutok sa kanya ang baril. Nanlaki ang mata niya at pumikit nang hinila na nito ang trigger pero walang nangyari.
Narinig niya ang pagtawa nito nang malakas. Muli siyang napamulat at tumingin kay George. Walang lamang bala ang baril!
"Nakakatawa kang paglaruan." Ani at lumabas.
Napahinga siya at pinikit ang mga mata. Please, please keep them safe.
Pagka-uwa'y biglang ma dumating. It was Ayesha.
Hennessy can't explain how much she hates this person. Kumukulo ang dugo nito para sa kanya.
Nang napansin nito ang matalim na titig ni Hennessy ay ngumisi siya. "Don't look at me like that, my dear. Walang magagawa ang mga titig mo." Ani at umupo sa harap niya. She then crossed her legs.
"This was the choice of Isaiah anyway. Kumusta na kaya ang katawan 'nun? Buo pa ba?" Takang tanong niya.
Napalunok si Hennessy. Her eyes slowly widened. "Anong nangyari kay Ishun?!" Tanong niya. "Oh, he was just too desperate to save you, dahilan pa ng pagkamatay niya. Sumabog na kaya ang sasakyan?" Tanong nito sa sarili at tumawa nang malakas.
Unti unting dumulas ang luha mula sa mga mata ni Hennessy. No... no....
Umiling siya nang malakas. "Hindi... Hindi 'yan totoo. Ishun is okay. He will be okay. Hindi... Hindi mangyayari ang sinasabi mo." Ani.
"Awww." She faked a pity. "How I wish totoo ang sinasabi mo. How I wish I was joking. Pero my dear Hennessy, I am not." Madiin nitong saad at tinignan si Hennessy nang may nakakalokong mga ngiti.
Please... please no...
To be continued...
BINABASA MO ANG
In The City Of Ruffians
AcciónIt takes a bullet and a gun to kill a ruffian, unless, the ruffian pulled the trigger first. Ruffians aren't afraid of anything. They fight for entertainment. They take people's lives as easy as blinking. To make the story short, they love violence...