VII: Cyberpunks

6.5K 276 18
                                    

CHAPTER SEVEN: CYBERPUNKS

As soon as they have finished eating their lunch, Chandria, Justice and Hennessy immediately went to a room full of computers. May ilang kagamitan siyang nakitang hindi alam kung ano ang gamit.

"A life costs a click of a mouse." Sambit ni Chandria habang binubuksan ang computer. "Justice and I aren't fond of fighting. Although may alam kami sa pakikipag-laban, we focus more on hacking devices, especially datum and information of politicians." Tumango lamang si Hennessy.

Binaling ni Chandria ang tingin kay Justice. "Give me your computer." Sambit nito. Agad na umalis si Justice at pumunta sa ibang parte ng kwarto. Pagbalik nito ay may dala na siyang laptop.

"This device is made by a Japanese scientist. In order to open it, you need the code then the fingerprints of the owner. Afterwards, may itatanong pa ito sa'yo. But that's if naka-lock siya kung hindi ay madali lang mabuksan. As for now, nakalock ang laptop. Panuorin mo ang gagawin ko. Justice will use the other computer at tignan mo kung sinong mauunang makakabukas sa laptop." Chandria ordered. She nodded.

Agad silang umupo sa mga upuan na nasa harap ng computer. They count to three before finally starting. Sabay silang nagsimula. Nanonood lang si Hennessy sa ginagawa ng dalawa. Their fingers are so fast in typing. Ang mga mata nila'y sa screen lang nakatingin, not bothering to look at the keyboard kung tama ba ang natatype nila.

Madaming windows ang nagpapakita sa screen ng computer. Ang tanging maririnig lamang mula sa kwarto ay ang marahang pagtipa nilang dalawa sa keyboard.

Maya-maya'y bumabagal na ang pagtipa nila. At inaalis na rin nila ang tingin nila sa screen ng computer. Parang may konokopya silang mga letters. Napatingin siya sa laptop noong bigla na lang itong tumunog, hudyat na unlock na siya.

"Done!" The exclaimed in chorus. Nagkatinginan sila na malaki ang mga mata. "Ginaya mo ako!" Sigaw nila ulit pareho. Hennessy was so amused watching the two of them screaming at each other's face.

Bakit ba kasi hindi magkasundo ang dalawang ito?

"I was the one who unlocked it, not you!" Sigaw ni Justice.

"Ako! Mas nauna kong napindot ang enter button!" Sigaw naman ni Chandria.

Bahagyang napatawa si Hennessy na ikinabigla nila. "Tumatawa ka pala?" Patanong na saad ni Justice. Inikot ni Chandria ang mata at itinulak ito palayo saka siya lumapit kay Hennessy.

"Your turn. Kahit hindi na gaanong kabilis. Take your time." Tumango lamang si Hennessy at umupo na sa harap ng computer. "Try opening the computer beside you without opening the power button of it."

"Paano?"

"Try and ikaw mismo ang makakaalam." Kumunot ang noo ni Hennessy, naguguluhan. Training ba talaga ang tawag dito?

She entered the code Chandria told her to type. Nagsimula nang maglabasan ang iba't ibang windows. Mabilis ang mga ito at halos mahilo na siya sa kakabasa. She typed some codes na nakikita niya at saka sunod sunod na lumabas ang iba't ibang data ng computer na iyon. Kumunot ang noo niya at napatingin sa dalawa. They were intently looking at the screen. Damn.

Mali ba?

"Is there something wrong?" Hindi niya mapigilang tanungin. Tumingin ang dalawa sa kanya. "No, it's just that you have succeeded on hacking the computer even though nasa opening the lock palang tayo." Justice said.

In The City Of RuffiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon