12.

1.5K 41 2
                                    

Chapter 12

Lally's PoV

Nagising ako sa isang pamilyar na posisyon. Nasa dibdib niya ang pisngi ko habang nakapulupot sa akin ang mga braso niya at gano'n din ako sa kanya. Nakasandal siya sa headboard. Balot pa rin ang katawan namin mula paa hanggang dibdib ng duvet dahil kapwa pa rin kami hubad.

Ganitong-ganito ako nagising no'ng unang beses na takasan ko ang mga nangyari sa amin ni SJ. Ang pinagkaiba nga lang, wala akong balak tumakas ngayon, gising siya at paulit-ulit na hinahalikan ang buhok ko.

Hindi pa rin ako nakilos kaya alam kong hindi niya alam na gising na ako.

Ilang minuto pa bago ako kumilos.

"Are you hungry?" 'Yan agad ang bungad niya sa'kin nang medyo tiningala ko siya.

"I still can feel your dick in my mouth and that's made me full already." I said playfully.

"What the hell, Lally!" Sabi niya sa paos na boses at walang ibang mahanap na salita.

"Biro lang! Gutom na ko. Let's eat." Yaya ko at tumayo na sa kama na hindi hinihiwalay ang duvet sa akin kaya naiwang nakahubad si SJ na wala namang pakialam.

He's still turn on. Hindi ba siya napapagod? Ilang rounds ba ang kaya niya? Naglakad ako sa salas kung nasaan ang mga damit namin at nagbihis na ako.

"I'll cook dinner." Naka-shorts na siya at dinampot ang shirts niya.

"Sa unit ko na tayo kumain. I'm sure Steph cooked dinner." Sabi ko. Isusuot ko na sana ang shirts ko nang iabot niya sa akin 'yung kanya.

"I really love see you wearing my shirts." He said at napairap ako pero tinanggap ko pa rin naman. Naglakad na ako papunta sa pinto at sumunod siya. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng T-shirt.

"Lally, wait!" Pinigilan niya ako sa braso kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Yea?" I ask casually pero seryosong seryoso siya.

"I need to tell you something," sabi niya.

"Ha? Ano 'yun?"

"About Amy," mabilis kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya nang marinig ko ang pangalan niya. Amy is my friend. But I don't like her for SJ.

"I'm not interested," malamig kong sabi.

"Listen first, please. I really need to tell you about this," humalukipkip ako at mataman siyang tinignan.

"Spill," utos ko at napangiti siya. "What's funny?" Taas kilay kong tanong.

"You look like a jealous girlfriend." Mas tumalim ang tingin ko sa kanya and I was about to shove him on his chest nang hulihin niya ang wrist ko. Pilit ko itong binabawi pero ayaw niyang bitawan. Bagkus ay hinapit niya ito at ito na ang pumapagitna sa mga dibdib namin.

"Remember Kiross?" panimula niya.

"Yea,"

"He's friend with Amy. At nasabi niya na magkakasama kami ni Amy sa isang pictorial." Sabi niya. Gusto kong mainis. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw pero mas pinili kong magpaka-mature.

"Why are you telling me this? You've signed the contract, right?" 'Yun ang sinabi niya sa'kin kanina. Nakapirma na siya ng kontrata sa isang magazine. Pero hindi niya nasabi ang tungkol sa pagsasama nila ni Amy sa pictorial. And he already explained about what happened in the bar.

"I can breach it," kaswal niyang sabi.

"Malaki ang penalty 'pag hindi mo ginawa ang nakasaad sa kontrata."

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon