30.

1.4K 42 7
                                    

Chapter 30

Lally's PoV

Nagmulat ako ng mga mata at ramdam ko pa rin ang kirot ng mga sugat sa katawan ko. Inilibot ko ang paningin ko. Napaluha na lang ako at nanalangin na sana ay panaginip lang ang lahat ng 'to.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan. Wala pa ring rescue ang dumarating.

"Calix..." Wala ring malay si Calix kaya nabahala ako. Pinilit kong mabuksan ang pinto ng kotse na medyo nayupi na. Kinakailangan na namin ng tulong.  Pero napahinto ako bago tuluyang lumabas. Muli kong nilingon si Bryx.

"Bryx..." Nilapitan ko siya at banayad na hinalikan sa noo. "I'll be back. I promise."

Lumabas na ako ng kotse dahil na rin sa hindi ko kayang matignan nang ayos ang wala nang buhay na katawan ni Bryx. Muli kong pinilit ang makatakbo. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay muli akong nakarinig ng putok ng baril. Naramdaman ko ang pagkirot ng binti ko dahil sa daplis ng balang tumama at napaluhod ako. Halos mabitawan ko na si Calix kaya nagising siya.

"Fuck!" I cursed nang makita ang pagdurugo ng binti ko. "Run, Calix!" Pinagtulakan ko si Calix nang makitang papalapit na si EJ na hawak-hawak pa rin ang baril.

"No..." Malakas ang iyak ni Calix dahil ayaw niyang malayo sa akin.

"RUN! CALIX! RUN!" I shouted. "Mommy will follow behind." I assure him at saka lang siya tumakbo palayo. Pinilit kong makatayo ngunit nahawakan na ako ni EJ sa braso.

"SIGE LALLY! TUMAKAS KA!" Tila demonyong sigaw ni EJ at marahas niya akong itinulak kaya napasalampak akong muli sa lupa. Inilibot niya ang paningin niya at napangisi siya nang makita niya si Calix na tumatakbo palayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang tinutukan niya ng baril si Calix. Nahagip ng paningin ko ang malaking bato at agad ko iyon dinampot.

"HUWAG!" Sigaw ko at ipinukpok sa may batok niya ang bato. Ngunit kasabay non ay ang pagputok din ng baril ni EJ. Agad kong nilingon si Calix at nanlamig ang buo kong katawan nang nakita kong nakadapa na sa lupa ang anak ko. "CALIX!" Tinakbo ko ang pagitan namin at napaluhod ako sa harap niya dahil sa panginginig ng mga tuhod ko nang makita ang tama ng baril sa likurang bahagi ng balikat niya.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at binuhat ko na siya. Tila wala akong iniindang sakit nang mabilis kong takbuhin ang kalsada upang makahingi ng tulong. Hindi ko maramdaman ang sakit ng daplis ng bala sa binti ko.

Malayo pa lang ang isang truck ay humarang na ako sa daraanan nito. At awa ng Diyos ay huminto ang driver. "Tulong, manong! Tulong!" Pagmamakaawa ko at binuksan ng driver ang kabilang pintuan upang makapasok kami.

"Manong pakidala kami sa pinakamalapit na ospital." Sabi ko at mukhang nataranta na rin siya dahil sa sitwasyon ng anak ko.

"Calix, baby... You need to... wake up," hindi na ako makapagsalita nang maayos dahil sa labis na pag-iyak. Niyakap ko pa siya nang mas mahigpit. "Hindi kakayanin ni mommy! 'Wag mo muna akong iiwan. Hindi pa kaya ni mommy!" Napahagulgol na ako dahil sa takot kong hindi na muling dumilat pa ang anak ko.

Bumaba agad ako sa truck nang marating namin ang ospital. Inihiga ko agad si Calix sa nakahandang stretcher sa labas at tinugunan naman kami ng mga nurse.

"Baby, 'wag mo munang iiwan si mommy!" Paulit-ulit kong sabi habang sumasabay sa pagtulak sa stretcher dahil hindi ko mabitiwan ang kamay ng anak ko. Wala akong pakialam kahit paulit-ulit akong magmakaawa para hindi niya ako iwan.

"Misis, hanggang dito na lang po kayo!" Hinarang ako ng isang nurse nang maipasok na siya sa emergency room.

"Hindi pwede nurse, anak ko ang nasa loob!" Pagmamatigas ko at nakipagtulakan pa ako sa nurse para lang papasukin ako.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon