16.

1.3K 37 2
                                    

Chapter 16

Lally's PoV

Napatayo kaming dalawa ni Steph at nagkatinginan. Bakit 'yon gagawin ni EJ? Ayokong mag-isip ng kung anu-ano pero masama ang kutob ko rito.

"Bakit daw?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"I don't know. Si Angela lang ang nakausap ko at wala rin siyang alam sa nangyayari. We need to go back home, Lally!" Kalmado si SJ pero alam kong nangangamba na siya sa maaaring naging problema nila ate at EJ.

"Hindi ako pwedeng basta umuwi, SJ. May buhay ako rito sa America. Maybe that was just a misunderstanding. Wedding jitter is normal. Maaayos din nila 'yan." Hindi ko pinapakitang nag-aalala na rin ako.

Pakiramdam ko kasi, mas gugulo ang sitwasyon pag bumalik ako. Sinabi noon ni EJ na tatalikuran niya ang lahat para sa amin. At ayokong mas lumala ang sitwasyon. Mas makabubuti kung mananatili ako rito sa America habang inaayos nila ang dapat ayusin.

"Kailangan mo ring bumalik, Lally," sabi niya.

"Bakit pa? Para namang may magagawa ako." Inis kong sabi.

"Your sister cut herself," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni SJ.

"Oh my God!" Hindi makapaniwalang sabi ni Steph at napatakip pa sa bibig niya. Nanghina ang mga tuhod ko at napabalik ako sa pagkakaupo.

"Cutting herself can't consider this as a normal wedding jitter. Lalo pa't ni hindi pa nagpapakita si kuya." Sabi ni SJ. This is so unexpected. My sister cuts herself. Tapos nawawala si EJ.

"Kamusta raw si ate?" Nagsimula nang tumulo ang luha ko. She's still my sister. At ayokong mawala siya. Lalo na ang mawala siyang bigla nang hindi naaayos ang gulo sa pagitan namin.

Niyakap ako ni SJ.

"That's the reason why we need to go back home. Kailangan nating ayusin ang tungkol sa mga kapatid natin." Bumitaw siya sa akin at hinarap ako.

"Mag-impake ka na. Uuwi tayo ngayon mismo." Nagpaalam na si SJ upang pumunta sa unit niya para magsimulang mag-impake.

"Tama si SJ, kapatid mo pa rin si Lenny at kailangan mong umuwi. Ako na muna ang bahala kay Calix. Dadalaw-dalawin ko siya. May isang linggo pa naman ako dito sa America." Pinunasan ko ang pisngi kong may luha at tumango.

"Salamat, Steph." Tumango siya at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa iyon ni ate sa sarili niya dahil lang sa pag-atras ni EJ sa kasal.
I mean, may anak siya. Hindi man lang ba niya iyon naisip?

Nagawan ni SJ ng paraan ang connecting flight namin hanggang sa Manila. Ni hindi ako nakatulog sa napakahabang byahe namin sa ere. Paglanding pa lang ng eroplanong sinasakyan namin ay bumibigat na ang pakiramdam ko.

Kinakabahan ako sa maaari naming datnan. At sana lang din ay nandun na si EJ para makausap na namin siya ng harapan.

"Everything's gonna be fine." Hinawakan ni SJ ang kamay ko at nagpara ng taxi na maghahatid sa amin sa ospital kung nasaan daw si ate.

Pakiramdam ko ay napakabagal ng tatlong oras na byahe dahil gusto ko na agad makarating sa ospital. Abot-abot ang dasal ko na sana ay hindi pa kami huli ni SJ. Sana ay naagapan ang tangkang pagpapakamatay ni ate.

"Anong room ni Lenny Arcadio?" Tanong ni SJ nang marating na namin ang nurse station.

"Room 306 po." Sabi ng nurse matapos hanapin. Wala na kaming inaksayang oras at tinahak na namin ang daan papunta sa nasabing kwarto.

Tumigil kami sa tapat ng pinto na may naka-indikang 306. Tumango ako kay SJ at kumatok na siya. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang mama ni SJ.

"Mom," sabi ni SJ at niyakap ito. "What happened?"

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon