29.

1.4K 41 7
                                    

Chapter 29

Lally's PoV

"Sigurado ka bang kaya mo nang mag-isa? Pwede naman kaming magstay for a couple of days hanggang sa masiguro naming nakarecover ka na. You just got traumatized," nag-aalalang wika ni Steph.

"Kaya ko na ang sarili ko, Steph. Maraming salamat sa naitulong niyo."

Nakokonsensya ako sa ginagawa kong pagsisinungaling sa kanila, pero mamayang gabi na kasi ang flight namin nila EJ at ayokong malaman nila ang plano ko.

Matapos kong makumbinsi sina Steph na mauna na sa Laguna, at susunod na lamang kami ni Calix, nagsimula na akong mag-impake. Hinintay namin ang gabi at tumawag na si EJ.

"Lally, traffic papunta diyan, male-late tayo sa flight natin pag sinundo kita," sabi niya mula sa kabilanh linya.

"It's okay. Magkita na lang tayo sa airport." Ibinaba ko na ang tawag at naghanda na sa pag-alis.

Ayoko talaga sa desisyong 'to. Pero para sa kapakanan ni Calix, mas nanaisin kong lumayo na muna. Katulad ng sinabi ni EJ, traffic nga. I brought my car. Ipapa-tow ko na lang papunta sa bahay.

Pagkapark ko pa lang ay parang ayoko nang tumuloy. Nakaabang na si EJ sa akin sa mismong entrance ng airport at handa na rin siya sa pag-alis. Naglakad na ako palapit sa kanya at kinawayan niya ako nang makita ako.

"Ready?" Tanong niya. Nag-aalangan akong tumango.

Mabibigat ang mga hakbang ko habang papasok ng airport. May oras pa para makapag-isip, Lally. Sigurado ka na bang sasama ka kay EJ? Walang kasiguraduhan kung magiging okay ba kayo do'n.

"EJ..." tawag ko sa kanya at huminto na ako sa paglalakad.

I can't do this. I can't run away for the nth time.

"Why? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya.

"I'm sorry," hindi ko mahanap ang boses kong sabi sa kanya. Nawala ang kakalmahan niya nang marealize ang nais kong sabihin.

"Don't do this to me, Lally. Napag-usapan na natin 'to di ba?" Pigil ang galit na sabi niya at hinawakan ako nang mahigpit sa braso. Alam kong ayaw niya ring gumawa ng eksena dito sa labas ng airport.

"I'm sorry!" Pwersahan kong binawi sa kanya ang braso ko. Binuhat ko na si Calix at tumakbo palayo.

"Lally!" Tawag niya at narinig ko na ang mga yabag niyang sinusundan ako. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at nag-drive palayo sa airport. Puno na ako ng pangamba habang pasulyap-sulyap kay Calix na inosenteng nakaupo lang sa passenger seat.

"Where we going mom?" Inosenteng tanong niya.

"Your dad!"

Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho ko upang masigurong mas makakalayo na kami kay EJ. Hanggang sa makalayo na kami ngunit hindi ko na alam kung nasaan na ba kami. Nasa Manila pa ba kami? Batid kong wala na dahil may dalawang oras na kaming nasa biyahe.

"Oh my God!" Nahihintakutang sabi ko nang makita ko sa rearview mirror ang kotse ni EJ na sobrang bilis at hinahabol na kami.

I step on the gas at pinaharurot ang kotse ko. Kailangan kong maging maingat sa pagdadrive dahil kasama ko si Calix. Natatakot ako hindi para sa buhay ko. Natatakot ako para sa buhay ng anak ko.

Agad kong dinial ang number ni Steph upang makahingi ng tulong.

"Lally—"

"We need help, Steph." Umiiyak na sabi ko. Sobra na ang takot ko para sa kaligtasan namin ni Calix.

"Sandali, anong nangyayari?" Natatarantang sabi niya. Narinig ko rin ang boses ni Bryx.

"EJ is following us, please."

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon