9.

1.4K 48 0
                                    

Chapter 9

Lally's PoV

Pinuntahan ko si manang sa kusina na kasalukuyang nagluluto ng hapunan.

"Napagod ang bata?" Tanong niya.

"Medyo po. Kaya iniuwi ko na," hindi ko puwedeng hayaang mapwersa ang katawan ni Calix sa paglalaro dahil nga sa kondisyon niya.

"Anong oras ang alis mo bukas?" Tanong niyang muli.

"I'll be leaving at 4 in the am, manang. Kayo na po muna ang bahala kay Calix. Pakikiusapan ko na lang rin po si Bryx na dalaw-dalawin ang bata,"

"Tuwing kailan ang uwi mo?" Tanong ni manang na kasalukuyang naghihiwa ng baboy para sa sinigang niya.

"Uuwi ako after three days, manang. Pag-aaralan pa lang naman namin ang lupang pagtatayuan ng building." Kumuha ako ng isang mansanas sa ibabaw ng table at kumagat.

"Mag-iingat ka do'n, anak. Hindi ka pamilyar sa Bisbee." Paalala ni manang at tumango lang ako.

Sa Bisbee nakadestino ang new project namin at kailangan namin mag-stay do'n for three days para sa ocular inspection ng site. Within a month kasi is sisimulan na ang project.

Hindi ko talaga dapat tatanggapin ang project na 'to dahil sa plano kong magbakasyon. Pero dahil hindi na rin naman ako nagtagal sa Pilipinas, ni-reconsider ko na. Sayang naman. Sa wedding lang naman ako uuwi.

"Nakapag-impake ka na ba? Tutulungan na kita." Prisinta ni manang. Mas naging magulang pa siya sa akin kaysa sa mga magulang ko.

"Okay na po, manang." Sabi ko at tumango siya.

"Nakita ko na pala 'yung bagong kapitbahay. Mukha namang mabait. Saka gwapo," biglang sabi ni manang

"Good to hear," I just said dahil kanina ko pa narinig kay Miss Brenda na gwapo nga ang aming bagong kapitbahay. Siguro nga gwapo talaga siya.

"Good to hear... na gwapo siya?" Natatawang tanong ni manang kaya tumawa ako.

"Good to hear na mukha siyang mabait." Paglilinaw ko.

Matapos makapaghapunan ay pinuntahan ko lang saglit si Calix para i-check siya, at mahimbing pa rin siyang natutulog. Nagdiretso na ako sa kwarto ko at nagpahinga na rin dahil maaga pa akong gigising bukas.

Alas dos ng umaga nang magising ako dahil sa alarm. Alas sais pa lang kasi dapat ay nasa site na kami kaya kailangan kong umalis ng maaga. Ayokong ma-late.

I did my morning rituals at nagpunta na sa kusina. Naihanda na ni manang ang agahan ko kaya naman nagsimula na akong kumain.

Muli kong chineck ang luggage kong nasa may couch na. Hindi naman kami magtatagal pero marami akong kailangang dalhin na gagamitin sa ocular.

I was assigned in facade design. Nagsent na kasi ang Senior architect namin ng building proposal sa client. 'Yun nga lang, sinent back dahil hindi nagustuhan ang facade design.

At ako ang pinagagawa ng revision kaya mas lalong nakakapressure dahil sisimulan na next month ang construction.

Golf course ang Black Hyacinth project kaya medyo sophisticated ang gusto ng client. Hindi ko rin alam kung papasa ba ang gagawin kong designs kaya gusto ko na rin munang makita ang environment around site bago simulan ang pagrerevise ng design.

Abala ako sa pag-aayos ng roll ng tracing paper nang may mag doorbell. Agad akong napatingin sa orasan. 3:30am pa lang. Sino naman ang magiging bisita ko ng ganitong oras.

Naglakad ako papunta sa pintuan at tinignan sa intercom kung sino ang nasa labas.

Kasabay ng pagkalaglag ng tracing paper na hawak ko ay ang pagkalaglag din ng panga ko nang mapagsino ang nakikita ko ngayon sa door monitor na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng pinto ng unit ko.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon