19.

1.2K 38 5
                                    

Chapter 19

Lally's PoV

Kasalukuyan akong nagdadrive papunta sa airport upang sunduin sina manang, Steph at Calix. Ngayon na kasi ang dating nila. May isang linggo ring hindi ko nakita si Calix kaya excited na ako ngayon.

Bukas na ang kasal nila ate at gusto ko sanang makasama si Calix sa pag-attend bukas kaya ipapakilala ko na siya sa kanila mamayang gabi.

Hindi nagparamdam sa akin si EJ nitong mga nakaraang araw. Ayokong magpakakampante pero umaasa akong sign na 'yun na itutuloy niya ang pagpapakasal sa ate ko. Dahil kung hindi, napakalaking gulo nito.

Ngayon na rin ang bachelorette party na hinanda nina Yesa para kay ate. Mabuti na lang at kakilala ko ang mga pupunta kaya hindi ko na kailangan pang makisama. Nakasama ko noon sina Yesa sa cheering squad noong dito pa ako nag-aaral. Bukod sa may history sila ni SJ, wala naman na akong iba pang problema sa kanya.

"Mommy!" Nananakbo si Calix palapit sa akin nang makita ako sa arrival area. Lumuhod ako para mayakap siya.

"I miss my baby!" Sabi ko at ngiting ngiti si Calix.

"Can we eat first? I'm so gutom na." Reklamo ni Steph kaya niyaya ko na sila sa kotse. Ako na ang nagdrive papunta sa restaurant kung saan ako nagpareserve ng breakfast.

It was just 8am.

"Isasama mo na ba si Calix sa inyo or gusto mong sa amin muna siya with manang?" Tanong ni Steph nang magsimula na akong magdrive.

"Kukunin ko si Calix mamayang gabi. Sa inyo ako dadaan pagkagaling ko sa party. Magkikita kami ni SJ mamayang gabi pagkatapos ng stag party ni EJ," sabi ko.

"Sigurado ka na ba dito, Lally?" Nag-aalalang tanong ni Steph. Ngumiti ako at tumango habang nakatingin sa daan. I'm sure about this.

"Matagal ko 'tong pinag-isipan. At tama ka, nagiging selfish na nga ako." Ngumiti si Steph at tinapik tapik ako sa balikat.

Matapos naming kumain ay inihatid ko na sila kila Steph. Sa isang private resort ako nagdiretso dahil nangako ako kina Yesa na tutulong sa pag-aasikaso sa ibang kailangan.

Mga classmates at highschool friends ni ate ang mga imbitado. At ang ibang matagal na niyang kaibigan ay ako ang komontak.

"Nakakasawa na ang varsity team. You should have invited other guys!" Reklamo ni Pamela na matagal na ring kaibigan ni ate.

"Like SJ and his gang." Singit ni Yesa na tumawa pa.

"I thought he's in America?" Tanong ni Pamela. Hindi nila alam na nakauwi na si SJ?

"It's his brother's wedding tomorrow. Siguro naman nakauwi na siya." Giit ni Aya na naglabas ng ilang bote ng vodka na iinumin mamaya. I feel relieved knowing na hindi pa nila alam na nakauwi na si SJ. It only means na hindi pa sila nagkakasama.

"Tsaka paniguradong hindi siya mawawala sa stag party ni EJ mamaya. Knowing him? Hindi niya palalagpasin ang gabing 'to." Sabi ni Yesa.

You don't know what you're saying, Yesa. You don't him that much. You don't know him the way I do.

"Lally!" Narinig ko ang sigaw na pagtawag sa akin ni ate. Nasa may deck sila at nag-aayos ng table. "SJ's calling." Sabi niya at sabay-sabay akong nilingon nong mga nag-uusap dito.

Hindi ko sila pinansin at naglakad ako sa kinaroroonan ni ate at dinampot ang phone ko na nakapatong sa table. Anong problema ng lalaking 'to? Pumasok muna ako sa room upang makausap si SJ.

"We're busy," sabi ko kaagad na ikinatawa niya.

"We're busy too. But I still find time to talk to you." Lumalandi na naman siya sa akin.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon