26.

1.4K 58 15
                                    

Chapter 26

SJ's PoV

"I need to talk to Zach, Yesa." Sabi ko kay Yesa habang sabay kami na naglalakad sa mall. Ang sabi kasi ni Zach ay dito kami magkikita pero wala pa rin siya.

"Alright! I need to go to the wash room na rin." Huminto ako saglit para i-dial na ang numero ni Zach samantalang si Yesa naman ay pumasok na sa wash room.

Hindi ko pa rin ma-contact si Zach kaya naman sinundan ko na si Yesa sa wash room at antayin na lang siya sa tapat para makapunta na kami sa arena.

Ngunit bago dumating ng wash room ay nakita kong may kausap si Yesa. Hindi ako makahakbang dahil kahit nakatalikod, kilalang-kilala ko ang babaeng kaharap ni Yesa.

"Are you blind?" Mataray na sabi ni Yesa. "Lally?" Tila ngayon niya lang napagsino ang kaharap.

"I'm sorry." Sabi ni Lally. Sorry? Ilang beses ba niya kailangang magsorry?

"Dito ka lang pala nagtatago. Dito lang pala nagtatago ang makating higad," saglit na natigilan si Lally dahil sa gulat.

"Excuse me?" Tanging nasabi niya. Halata sa boses niya na kagagaling niya lang sa labis at matagal na pag-iyak.

"Totoo, 'di ba? Hindi natuloy ang kasal ng kaibigan ko dahil inahas mo si EJ!" Natawa si Lally kaya nabakas kay Yesa ang labis na inis. Humakbang si Lally palapit sa kanya.

"Really? Sumasamba ka sa maling santo, Yesa." Natatawa niyang sabi. Bakit? I know Lenny at hindi niya kayang mang-agaw. But I know Lally, too.

"Talaga? Akala ko matino ka, malandi ka rin pala!" Sabi niya.

"Para kang aso, tahol nang tahol sa taong hindi niya kilala." Nanginig ang mga labi ni Yesa dahil sa labis na galit. Pero maya-maya lang ay napangisi siya.

"Nilandi mo rin ba si SJ para patulan ka niya?" Tila naging hudyat iyon sa pag-igting ng galit ni Lally.

"You don't know anything, Yesa." Alam kong nagtitimpi na si Lally. Gusto kong lapitan siya at pakalmahin pero hindi ko magawa. Natatakot akong kapag hinarap ko si Lally, ako naman ang sumabog sa galit. Hindi ko pa siya kayang harapin sa ngayon.

"Did you let him bedded you para mapasama sa mga cheap girls na naikama niya?" Napahakbang si Lally palapit sa kanya. Ganun din si Yesa kaya ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't isa. Gumagawa na sila ng eksena dito sa mall.

"Bawiin mo ang sinabi mo,"

"Why? That's true, right? You're one of his whores na nagkakandarapa sa kanya. You're a flirt, bitch and a who—" Hindi na napigilan ni Lally ang sarili niya kaya nasampal na niya ito. Yesa crosses the line and I think she deserves what Lally did to her. Nagngitngit sa galit si Yesa.

May ilang tao na rin dito sa mall ang huminto para panoorin sila.

"How dare you!" Nang maramdaman kong susugurin ni Yesa si Lally ay nakialam na ako.

"Lally!" Sigaw ko upang marinig niya ako. "Why did you slap her?" Galit na tanong ko kahit na sa totoo lang ay nakukulangan pa ako sa pagsampal niya.

"She calls me name!" Pagsusumbong niya. Para siyang bata na nagsusumbong. Para siyang bata na naghahanap ng kakampi. At handa akong kampihan siya kahit na siya ang mali. I'll take her side kahit napakasama ng magagawa niya.

"At gusto mong paniwalaan ko 'yan?" Halos pasigaw kong sabi. Gumagawa na kami ng eksena at nakakahiya na sa mga tao sa paligid namin. But this is different. Ayokong maging malambot sa kanya. Dahil sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik ang katotohanang inilihim nila sa akin ang pinakamalaking sikreto na dapat kong malaman.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon