13.

1.5K 43 15
                                    

Chapter 13

Lally's PoV

Ilang araw pa ang nagdaan at hindi na kami masyadong nagkikita ni SJ dahil na rin sa trabaho niya. Hindi pa man nagsisimula ang pictorial nila ni Amy ay busy na siya. How much more 'pag nagsimula na?

These past few days ay lagi akong nakila Bryx dahil nga dinadalaw ko roon si Calix. Pero ngayon ay kailangan kong dumaan sa company dahil may kukunin akong files.

"Lally!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang pagtawag ni SJ. Nag-jog siya papunta sa akin. Nandito kami ngayon sa lobby ng condo building.

"May pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong niya nang nasa harapan ko na siya.

"May kukunin lang ako saglit sa company. Bakit?" Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ngunit iniharang niya ang kamay niya.

"Magtatagal ka ba do'n?" Tanong niya.

"Hindi naman. Mga ten to twenty minutes," tumingin siya sa wrist watch niya.

"Good! Ihahatid na kita. Then after natin pumunta sa company niyo, didiretso tayo sa studio." Sabi niya at hinila na niya ako papunta sa kanyang range rover.

"Bakit tayo pupunta do'n?" Tanong ko nang parehas na kaming makasakay.

"It's our first day of pictorial. I want you to be there," he pulls into driveway at cool na nag-drive.

"You should ask me first if I want to be there." Napairap ako sa hangin.

"You should be there. I want you to monitor my do's and don'ts."

"And why should I?" Pikon kong tanong.

"I just want you to." Nagpark siya sa tapat ng building at mabilis akong pumasok sa loob.

Wala pang sampong minuto ay nakalabas na ako at agad naman niyang tinahak ang kalsada papunta sa studio.

"Sigurado ka bang allowed akong pumasok?" Paninigurado ko nang naglalakad na kami sa hallway papuntang photoshoot.

"Of course, why not?" Binuksan niya ang pinto at agad na tumambad ang napakagarbong platform. Halatang napakalaking pictorial ang gagawin nila.

Niyaya ako ni SJ sa isang bench at naupo ako doon. May isang bakla ang lumapit sa kanya na sa tingin ko ay ang photographer dahil may nakasukbit na professional camera sa batok nito.

"Change clothes, Mr. Greyson." Sabi nito at tumango si SJ.

"Stay here, I'll be back." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Naglakad na siya papunta sa dressing room. Lumabas naman si Amy sa kabilang room at nilapitan ako saka nakipagbeso.

"Are you with Jes?" Masayang bati niya sakin. Jes? Si Jester ba ang tinutukoy niya? Since when she gave a pet name to someone?

Hindi talaga maaalis sa'kin ang selos. Hell yea, I'm still jealous with Amy. Who wouldn't? I know her. Thomas and Amy are a thing, I know that fact. But they also both flirt to others at alam nila parehas 'yun.

I know Amy for years, 'yung tipo ni SJ ang tipo ng lalaking pag-iinteresan niya. And SJ will surely surrender if Amy would start flirting with him. I mean, who would say no on Amy's charisma? Seriously, if I have a dick, I would also be hard for her.

"Yea, you looked beautiful." I compliment her. She really looks beautiful on her red laced halter cocktail dress.

"I know right." Biro niya at lumabas si SJ sa kuwartong kanina ay pinasukan niya.

"Hey, handsome." Napatingin ako sa kamay ni Amy na kumapit sa braso ni SJ. Tila nagsasalita ang kanyang mga pulang kuko na sinasabing kayang-kaya niyang maakit si SJ.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon