35.

1.7K 59 7
                                    

Chapter 35

SJ's PoV

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang maya't maya ang sulyap ko kay Lally na nanghihina nang nakaupo sa passenger seat. Napalingon ako sa hita niya na may bahid pa rin ng dugo.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi na naman kami muling umabot. I step on the gas at maingat na nagpatuloy sa pagdadrive. She's still bleeding.

"Lally, are you pregnant?" Tanong ko kahit pa alam ko na ang sagot. Gusto ko lang marinig mismo sa kanya. Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot. At mas lalo akong natakot nang makita kong nakapikit ang mga mata niya.

"Damn, Lally! You need to stay awake." Sambit ko. Panay na ang busina ko nang madaanan namin ang masikip na kalsada. Mabuti na lang at nagsitabihan sila.

Nakarating kami sa ospital at agad siyang isinakay sa stretcher. "Lally, please. You need to survive this!" Sabi ko bago siya ipasok sa emergency room. Ilang sandali lang ay nandito na ang pamilya ni Lally at nakarating din ang pamilya ko.

Lahat kami ay hindi mapakali sa paghihintay para sa paglabas ng doctor. "Lally is pregnant, isn't she?" Sabi ni mommy.

"She probably is. Pero wala kaming alam. At siguradong hindi pa rin alam ni Lally na nagdadalang tao siya," sabi ni tita Rose, ang mommy ni Lally at binalingan ako ng tingin. "Ikaw ba ang ama, SJ?" Tanong niya at napako ako sa kinatatayuan ko.

Ako ang ama. Alam kong ako ang ama. 'Yung takot ko nang makitang dinudugo si Lally, naramdaman ko na agad na ako ang ama ng nasa sinapupunan niya.

"Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon na tanungin siya. Siya man ang ama o hindi, pagdududahan niya lang si Lally!" Sabi ni Lenny. Mukhang na-misinterpret nila ang pananahimik ko at inaakala nilang idedeny ko ang bata.

Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto at lumabas ang ilang nurse. "How is she?" Agad kong tanong sa kanila.

"Nasa loob po si doc. " Tanging sagot nila kaya pumasok na kami sa loob at nakita namin si Lally na mukhang mahimbing na natutulog.

"Kamusta ang anak ko, doc?" Hinarap ni Mr. Arcadio ang doctor.

"Maayos na ang kalagayan ng pasyente. But she almost had a miscarriage. Mabuti na lang at malakas ang kapit ng bata." Sabi ng doctor at nakahinga ako ng maluwag. Never been this relief.

Kung may mangyayari na naman kay Lally at sa bata, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Salamat, doc." Sabi pa ni tito Arthur.

"She needs complete bed rest. Maselan ang pagbubuntis niya ngayon. Huwag siyang bigyan ng trabaho na labis siyang mapapagod at iwasan ang mga bagay na makapagbibigay sa kanya ng stress." Dagdag pa ng doctor at nagpaalam na.

"Honey, tayo na lang ang humarap sa kaso. Paunahin na natin ang mga bata sa Spain. Baka makasama kay Lally kung muli niyang makakaharap si EJ." Umiiyak at puno ng pag-aalala na sabi ni tita at nag-isip si tito.

Pero ano raw? May plano silang pumunta ng Spain?

"Mawalang galang na po tita, pero tama po ba ang narinig ko? Lalabas kayo ng bansa dala ang mag-ina ko?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanila. Nakasunod naman sina mommy at daddy na para bang handa nang umawat sa tangka kong pagwawala.

"Mag-ina mo? Ang akala ko ba ay wala kang balak akuin ang responsibilidad? At nakasisiguro ka bang ikaw ang ama?" Tanong ni tito.

"The last time I checked, tito, wala pa ho akong sinasabi patungkol sa pagbubuntis ni Lally. At tungkol naman sa tanong niyo, oo tito. Sigurado akong ako ang ama. Nararamdaman kong anak ko ang bata sa sinapupunan ni Lally." Matatag kong sabi na puno pa rin ng paggalang dahil ama pa rin siya ni Lally.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon