22.

1.2K 40 4
                                    

Chapter 22.

Lally's PoV

Biglang umiyak si ate. Oh shit, eto na naman siya sa playing victim drama niya. Pero wala akong panahon para makipagdramahan sa kanya.

"Pagod na ako. Matutulog na po ako." Paalam ko kila mommy pero muling nagsalita si ate.

"I already know why EJ called off the wedding, mommy!" Pagsusumbong niya. At siya pa talaga ang magsasabi kina mommy ng mga pinaggagawa niya?

"Why?"

"It's because of Lally. She seduced him," Pag-iinarte niya at literal akong napahagalpak ng tawa. Nagtataka akong tinignan nila mommy na mukhang iniisip na nababaliw na ako.

"See, mom? Nakukuha pa niyang tumawa!" Ang sarap niyang tawanan.

"Lally, totoo ba ang sinasabi ng ate mo? Dahil ba sa'yo kaya umatras si EJ sa kasal?" Galit na tanong ni daddy.

"Maybe yea," pag-amin ko. Why would I deny it? They would find it out one way or another.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ang malakas na pagsampal sa akin ni mommy. "How could you ruin everything!" Sigaw niya.

Hindi pa siya nakuntento sa pagsampal niya at niyugyog niya ako sa may balikat dahil sa labis na galit. It's happening again. It always happens anyway. They will confront me without asking what really happened.

Basta 'pag si ate na ang nasasaktan, hindi na nila tinatanong kung anong ginawa ni ate kung bakit ko iyon nagawa.

"WALA AKONG GINAWA!" Sigaw ko nang hindi na ako nakapagpigil. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakasalampak na ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasampal sa akin ni daddy.

"'Wag mong sisigawan ang mommy mo ng ganyan!" Halos pasigaw na sabi ni daddy habang dinuduro pa ako. Nakakapanliit kung tratuhin nila ako. Nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

"Mommy..." nagulat ako nang marinig ang boses ni Calix sa pintuan. Tumatakbo siya sa akin palapit habang umiiyak. Mas lalo pang tumulo ang luha ko nang yakapin ako ni Calix na mas malakas pa ang pag-iyak sa akin.

Parang nararamdaman niya ang nararamdaman ko. At parang gusto kong mas umiyak ng malakas para lang hindi marinig ang pag-iyak niya.

"Lally..." Sabi ni ate na hindi makapaniwala sa nasasaksihan niya.

"Did he just call you mommy?" Tanong ni daddy. Hindi ko sila pinansin at sinusubukan kong patahanin si Calix.

"Nagkaanak kayo ni EJ?" Hindi makapaniwalang sabi ni ate.

"Hindi ka na nahiya!" Sabi ni mommy at muli akong tinulak. Narinig ko ang mabilis na yabag ng takong ni Steph nang tumakbo siya papunta sa akin at inalalayan akong tumayo.

"Wag niyo naman hong ipakita sa bata ang karahasan niyo." Sabi nito kila mommy kaya inawat ko siya. Wala silang pakikinggan kundi si ate lang kaya mag-aaksaya lang siya ng laway niya.

"'Wag kang mangialam dito, Stephen. Usapang pamilya 'to!" Giit ni daddy.

"Mawalang galang na ho, tito, pero una, hindi ito usapan dahil may pisikalang nagaganap. At pangalawa, mas lalong hindi ito pamilya dahil ang pamilya, hindi kayang saktan ang isa't isa." Sabi ni Steph.

Hinawakan ko siya sa braso dahil alam kong hindi talaga siya magpapaawat.

"Isa ka pa Stephen, kinukunsinti mo ang kalandian ng kaibigan mo!" Sabi ni mommy. Mula sa pagkakahawak ko sa braso ni Steph ay naramdaman ko ang panginginig niya dahil sa galit.

"Sa pagkakaalam ko ho, kayang pabulaanan ni Lenny ang akusasyong 'yan." Sabi ni Steph at binalingan niya ng tingin si ate. Napaatras ito at hindi alam ang sasabihin.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon