28.

1.4K 44 5
                                    

Chapter 28

Lally's PoV

"May balita na ba?"

"Tumawag na ba ang mga police?"

"Tama ba ang naibigay mong contact?"

"We should contact SJ now."

Gusto kong makisali sa usapan nila ngunit wala akong lakas. Mula pagkagising ko kaninang umaga ay nakatulala lang ako. Walang ibang ginagawa kundi ang tumingin sa kisami.

Lumapit si Steph at inalalayan akong makaupo. Naupo sila sa kama ko. Nandito ngayon sina Steph, Cassie at Bryx.

"Lally, please speak now." Umiiyak na sabi ni Cassie. Gusto kong punasan ang luha niya. Ayokong makadagdag sa pag-aalala nila. Pero ayaw kumilos ng buo kong katawan. Ni hindi rin ako makaiyak dahil mukhang naubos na ang mga luha ko.

"We should bring him now to the doctor." Sabi ni Bryx. Bryx is already out of his mind. Gusto kong siyang pagalitan at sermonan dahil sa ginawa niyang pagpunta rito. Sobra-sobra na ang abala namin sa kanya at ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan.

"She's in trauma," Steph cracks. Halatang kagagaling niya lang din sa pag-iyak.

Oo, kanina ko pa sila naririnig. At hanggang dinig lang ang kaya kong gawin. Mula nang mawalan ako ng malay kagabi ay hindi na ako nahiwalay sa kama ko rito sa hotel.

"Lally, kumain ka muna. Kailangan mong magpalakas." Itinapat ni Steph ang kutsara sa bibig ko. Ngunit hindi ako kumilos. Nanatili akong nakatulala.

"This is so bad," puno ng pag-aalalang sabi ni Bryx.

"Can she even hear us?" tanong ni Cassie. Yes, I can hear you. "I'm worried of her. Dalhin na kaya natin siya sa psychiatrist." Dagdag pa niya.

Natigil sila sa pag-uusap nang mag-ring ang phone ni Steph. Nag-excuse siya at sinagot ang tawag. Maya-maya lang ay nagmamadali na siyang bumalik paupo sa kama ko. Hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

"Good news, Lally. Tumawag 'yung mga police. Nahanap na si Calix." Sabi ni Steph. Gusto kong umiyak sa tuwa. Ngunit wala pa rin akong makuhang lakas. Siguro ay dahil ayoko munang umasa ng sobra.

Babalik lang ang lakas ko kapag nasa mismong harapan ko na si Calix. Hinawakan ako ni Steph sa magkabilang pisngi.

"Lally, naririnig mo ba? Nahanap na si Calix." Gustuhin ko mang sumagot ngunit alam kong blanko pa rin ang ekpresyon ko.

"Sabi rin ng pulis na papunta na ang nakakita sa kanya." Sabi pa niya.

"Wala tayong choice, Steph. Hindi pa nakaka-recover si Lally. Tayo na lang ang sumundo kay Calix at humarap sa mabuting loob na pansamantalang kumupkop sa kanya." Cassie suggested.

Gusto ko sanang sumama upang personal na makapagpasalamat ngunit ang tangi ko lang magagawa ay ang hintayin ang pagbabalik nila.

"You stay here, Bryx. Lally can't be alone," sabi ni Steph.

"Of course, that's fine." Mabilis nang nagpaalam sina Cassie at Steph upang makapunta na sa prisinto.

Naiwan kaming dalawa ni Bryx. Naupo siya sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"Calix is coming home, Lally. I'm sorry. I somehow feel partaking of the blame. I promised to take care the both of you but I just let it all happened." Gusto kong sigawan si Bryx dahil naiinis ako. How could he blame himself. Walang ibang dapat sisihin dito kundi ako dahil naging pabaya akong ina.

"Say something, please. I don't want to see you like this. I told you that I will always be here for you even though you broke my heart into pieces. But seeing you like that isn't just breaking my heart, it's the death of me."

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon