25.

1.3K 51 4
                                    

Chapter 25

Lally's PoV

Nanginginig ang mga kamay ko habang nagdidial ng number ni Steph. Ang tagal pa bago niya sagutin. Pero siguro ay nandito na rin siya sa parking dahil 'yun ang napag-usapan namin.

"Naabutan niyo?" Agad ay bungad niya.

"Steph..." Umiiyak kong pagtawag sa kanya. Nawawalan na ako ng pag-asa na mahanap si Calix dahil ilang minuto ko nang nililibot ang parking.

"Bakit, Lally? May nangyari na naman ba?" Buong pag-aalala niyang tanong.

"Si Calix... nawawala!"

"Ano?!" Sigaw niya. Ramdam ko sa kabilang linya na halos nagwawala na rin si Steph. "Nasaan ka?" Tanong niya.

"Nasa... parking." Sagot ko sa pagitan ng paghikbi.

"Okay, nandito lang din ako sa parking. I'll be there right away." Ibinaba niya ang tawag at napaupo na lang ako. Ilang sandali lang din ay nasilaw na ako sa headlights ng paparating na sasakyan ni Steph. Huminto ito sa tapat ko.

Nagmamadaling bumaba si Steph at tumatakbong palapit sa akin.

"My God, Lally! Anong nangyari!" Naiiyak na rin si Steph.

"Nalingat lang ako sandali... then, Calix was gone," parang mababaliw na ako sa sobrang pag-aalala. Kaunti na lang talaga, mawawala na ako sa katinuan. This is too much to handle.

"Oh my God, ano bang nangyayari!" Maging si Steph ay nafu-frustrate na sa sunod-sunod na kamalasang nangyayari sa akin.

"Magreport na tayo sa pulis, Steph!" Hindi na ako makapag-isip ng ayos. Hindi ko na alam ang mga dapat na unahin.

"Mag-aaksaya lang tayo ng oras sa pagrereport sa pulis. Hindi sila gagawa ng aksyon hangga't wala pang twenty four hours na nawawala ang bata," sabi niya.

"What should we do now!" Natataranta na ako. Sa bawat segundong wala si Calix sa paningin ko ay nagiging dahilan ng pagsikip ng dibdib ko.

I slightly tap my chest dahil sa paninikip nito. Mas lumalakas ang iyak ko, pakiramdam ko kasi, kapag pinigilan ko ang emosyon ko katulad ng ginagawa ko noon, baka hindi na makaya ng dibdib ko dahil sa pag-apaw nito.

"Okay ka lang, Lally?" Inalalayan ako ni Steph pero tumango ako. Hindi ako pwedeng makaramdam ng pagod.

"You look exhausted, Lally. Magpahinga ka na kaya muna. Ako na muna ang bahalang maghanap kay Calix," sabi niya pero mabilis akong umiling.

"No, Steph. Hindi ako pwedeng magpahinga. Hindi ko rin kaya na ako ay pahiga-higa lang, habang 'yung anak ko ay nawawala. Steph, may sakit sa puso ang anak ko. Paano kung umiiyak na siya ngayon? Paano kung natatakot na siya ngayon? Paano kung hindi na makaya ng puso niya ang takot? Paano kung... Paano kung..." Napakapit na ako sa braso ni Steph nang manghina ang tuhod ko.

Isipin ko pa lang na may masamang mangyayari sa anak ko, hindi ko na kaya.

"Okay, let's go, hanapin na natin siya!" Iginiya ako ni Steph papunta sa kotse niya pero huminto ako.

"Maghiwalay tayo, Steph para mas mabilis ang paghahanap natin." Sabi ko at mabilis siyang nagprotesta.

"What? No, Lally. Look at yourself! I don't think na kaya mong—"

"Kakayanin ko Steph!" Halos pasigaw kong sabi. "Para sa anak ko, kakayanin ko!" Bumuntong hininga si Steph at wala nang nagawa pa.

"Basta tawagan mo ako 'pag nagkaproblema ka. Sa mga lugar malapit dito sa arena ako maghahanap." Sabi niya at naglakad na siya papunta sa kotse niya saka nagdrive palayo.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon