17.

1.2K 40 1
                                    

Chapter 17

Lally's PoV

"EJ you need to listen to me. Tahimik na ang buhay ng lahat, 'wag mo nang guluhin pa," kalmado kong sabi. I want to settle this according to my plan, not according to his.

"Guluhin? Kung hindi ka bumalik, Lally, hindi magugulo ang lahat!" I'm trying to be calm about this but he's making it difficult.

"Wala akong ginawa. Wala akong ginulo. Gusto ko lang makita kung anong nangyari sa mga taong pinagtaksilan ako!" Mariin kong sabi na ikinangisi niya.

"Wala kang ginawa kasi nakita mong miserable kami. I can't get over you, at ganon din si Lenny dahil gumagawa siya ng sarili niyang multo. Pero Lally, kung naging masaya ba kami ni Lenny, hahayaan mo lang ba kami?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya.

"See? Miserable kami kaya wala kang ginawa. Kaya mo nasasabing hindi ka nanggulo dahil nakita mong magulo na ang buhay namin. But knowing you, Lally, being a childish immature brat—"

"Childish immature brat? How dare you call me like that without even knowing what I've been through. If surviving the last few years of my life can't call maturity, I don't know what else could!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya.

Ang kapal ng mukha niyang pagsalitaan ako ng ganon samantalang wala siyang alam sa mga pinagdaanan ko para lang manatiling matatag ako.

"I didn't mean to—"

"Wala kang karapatang maliitin ang pinagdaanan ko noong pagtaksilan niyo ako, EJ. At mas lalong wala ka sa lugar para pagsalitaan ako ng ganiyan. Of all people, ikaw pa talaga ang magsasabi na immature ako?" I was about to stand up nang biglang dumating si SJ.

"What's with the shouting, guys?" Tanong ni SJ nang makalapit siya sa amin. Naupo siya sa tabi ko at naguguluhang nagpabalik balik ang tingin niya sa amin ni EJ.

"May hindi lang kami napagkasunduan ni Lally, but we're done talking." Sabi ni EJ.

"Antayin mo na lang ako sa kotse." Sabi ni SJ pero umiling ako. Hindi ako pwedeng umalis dahil baka may kung ano pang masabi si EJ kay SJ.

"I'll stay SJ!"

"But—"

"It's okay, bro. She can stay," pagpayag ni EJ kaya tumango si SJ.

"Let's start with the question... Bakit bigla kang umatras sa kasal?" Diretsong tanong ni SJ kaya natawa si EJ.

"You should have asked how am I first." Biro nito.

"Kuya, seryoso ako!" Nawala ang ngiti ni EJ at nagseryoso na rin.

"I'll answer your question with another question, kaya mo bang magpakasal kahit may iba kang mahal?" Hindi ako makapagreact sa mga sinasabi niya, natatakot akong baka madulas siya.

"You don't love... Lenny?" Naguguluhang tanong ni SJ.

"Everything about Lenny was just a mistake. I have a girlfriend nang mabuntis ko siya." Nanlalamig ang mga palad ko at naikuyom ko na lang ang mga kamao ko sa ilalim ng mesa.

"What an asshole!" Galit na sabi ni SJ sa kuya niya. Hindi naman nagviolent reaction si EJ at tinanggap lang ito.

"Anong plano mo? May anak kayo." Giit pa ni SJ.

"I can't be in a shotgun wedding, bro. Tying a knot with someone you don't love is more like tying your neck and choke yourself to death," sabi pa nito.

"But still, you have responsibilities to her and to your child."

"Bakit SJ, would you agree to be in a shotgun wedding if you were in my shoes? Would you marry someone you don't love just because you have a child?" Hindi nakasagot si SJ.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon