23.

1.3K 45 2
                                    

Chapter 23

Lally's PoV

Lumipas ang maghapon na halos wala na kaming ginawa ni Calix dito sa hotel room kundi ang manood lang ng mga paborito niyang cartoons sa TV. Maging si Calix ay halatang nabobore na.

Tinignan ko ang oras at alas kwatro pa lamang ng hapon. May oras pa para makapamasyal kami. Binihisan ko si Calix at nagpunta kami sa park malapit dito sa hotel na tinutuluyan namin.

Muli kong nakita ang ngiti ni Calix pagkarating pa lang namin dito sa park. Parang gusto na niya maglibot at maglaro sa mga palaruan na nadadaanan namin. Hinila ako ni Calix sa isang duyan at tabi kaming naupo.

May dumaan na nagtitinda ng dirty ice cream kaya bumili ako ng para sa amin ni Calix. Tahimik kaming kumakain dito sa swing nang mabaling ang tingin ko sa dalawang taong nakaupo sa bench sa 'di kalayuan.

Biglang nanikip ang dibdib ko. He's smiling towards a girl. Parang ang saya-saya niya. Tumatawa siya na parang walang nangyari kagabi.

It was SJ. And he's with Yesa. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Nakahawak ang mga kamay niya sa braso ni SJ at sobrang lapit nila sa isa't isa.

They got back together?

Oh my God! That fast?

"Let's go." Sabi ko at nagtatakha lang akong tinignan ni Calix kaya binuhat ko na siya. Nagpunta na muna kami sa isang bench malayo sa kanila.

Nakatuntong si Calix sa bench at yakap-yakap ako sa leeg. "Your dad," hindi ko namalayan na naisatinig ko iyon sa kanya.

"Dad?" Inosenteng ulit niya sa sinabi ko. "Dad...dy?" Masaya niyang sabi at dumila sa hawak niyang ice cream. "Daddy..." He chanted while smiling ear to ear.

"Do you want to meet him?" Tanong ko at sunod-sunod ang pagtango niya. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kinauupuan nila SJ ngunit wala na sila.

"Ayaw pa ng tadhana." Tanging sabi ko. Wala pa ata talagang balak ang tadhana na pagkitain sila. Dahil sa tuwing tatangkain ko, pinipigilan niya.

SJ and Yesa got back together. And they looked both so happy. The wedding is supposedly now. But what are they doing here in Alabang? Oh my God, does it mean na hindi talaga natuloy ang kasal?

Kung hindi nga natuloy ang kasal, siguradong nagkakagulo pa rin sa bahay. But still, anong ginagawa nila dito? Para lang magdate? I don't think Yesa would exert an effort to have a two hours ride just to have a date in this park.

Naalala ko ang concert tickets na ibinigay sa akin ni Elton. It'll be tomorrow. Maybe they're going to watch too. Should I watch? Nagpop ang phone ko kaya binasa ko ito. It was Bryx.

'Skype in 15 mins, miss.'

"Let's go, Cal." Agad kong niyaya si Calix pabalik sa hotel room. I miss talking to Bryx. Pero bakit siya biglang napatawag?

I get my laptop at naupo na sa kama.

"Hey," bati agad sa akin ni Bryx at ngumiti. "How are you?"

"I'm fine," tanging sagot ko at ngumiti siya.

"Really? Your swollen eyes won't lie," sabi niya at nawala ang ngiti ko. "Come on, Lally. I'm willing to listen." Malambing niyang sabi kaya bumuntong hininga ako.

"I know Bryx. You always are," sabi ko at tumango siya. Muli akong bumuntong hininga bago nagsalita. "SJ is mad. The wedding called off. Everything is... everything is fucked up now." I saw sympathy in his eyes.

"Where's Calix?" Tanong niya.

"Here." Masayang sabi ni Calix at nabigla na lang ako dahil sumulpot si Calix sa likod ko at ni-back hug ako sa leeg. Maging si Bryx ay natawa sa biglang pagsulpot ni Calix dahil naglalaro lang siya kanina sa kama.

Tidal WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon