---3---

228 8 0
                                    

Jane's Pov

Nagising ako sa isang madilim na silid. Pero nag-tataka ako kung bakit nakakakita ako sa dilim?

Ano to? Night vision? Ha! Ha! Nababaliw na talaga siguro ako kaka panood at kaka basa  ng mga fantasy stories.

Tapos may nakita akong mga cabinet? Teka? Nasaan ako?

Tinignan ko ang hinihigaan ko at naka higa ako sa isang kama, naka tali ang mga kamay at paa ko ng kadena? Ganoon na ba ako kalakas para kadena talaga ang ipag-tatali sa akin? Hello? Babae si aketch! Tsk!

Tumingin sako sa gilid ko at may isa pang kama doon at nakita ko ang isang babae. Teka golden hair naka talikod kasi siya. Ah! Si twin!

Mag-sasalita sana ako pero di naman ako makapag-salita. May tape pala ang bibig ko. Wow! Nauna pa ako sa kanya nagising ah?! Ako pa naman ang tulog mantika.

Ano ba gagawin ko?

"Mmmm! Mmmmm! Mmmmm!" Ay! Di efected.

Twin! Gumising ka na! Huhuhu!!! Gusto ko na umalis dito!

"Manahimik ka nga!"

Nabigla ako ng may nag-salita sa utak ko. Teka! Bosses yun ni twin! Wahhhh! Naghahalusination lang ako!

"Sabing tahimik eh! Teka! Wahhh! Bakit ko nababasa ang ini-isip mo?! Wahhh! Nababaliw na ako! Ano ba tong mga kadena na to! Nangangate ang pisngi ko!"

Aish! Ang ingay niya talaga! Pati ba naman sa isip niya maingay?

Bumukas naman ang pinto at nakita kong may pumasok na apat na lalaki pero di ko kilala. Yeah diba sabi ko may night vission ako?

"Eh? Twin may night vission ako!"

Sigaw niya! Talaga lang ha!

Ang cool naman nito!

Bumukas ang ilaw.

"Oh! Gising na pala kayo!" Sabi nung isang lalaki.

"Ay hindi! Tulog pa kami! Panget mo!" Basa ko sa isip ni twin.

"Oo! Tulog pa talaga kami! Kita namang gising na oh! Sinasabi pa! Bangasan kita dyan kalbo ka eh!" Sabat ko naman.

May dalawa pang taong pumasok teka kilala ko sila! Si Mike at Miko. Magka patid sila.

Matanda sa amin ni twin ng one year si Mike na may gusto kay twin. At si Miko naman ay ka edad lang namin ni twin at may gusto naman siya sa akin. Grr! Okay gwapo siya matangkad matalino. Pero! Aish! Wala naman akong gusto sa kanya! Half Australian at half Filipino sila.

Tinanggal niya ang tape sa bibig ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong gawin sa akin to!" Sigaw ko sa kanya.

"Pasensya na mahal ko. Alam ko naman kasi na di kita makukuha sa masinsinang pag-uusap. So I will get you by force." Naka ngisi niyang sabi.

Abat! Kung wala lang kadena tong kamay ko nasampal ko na to!

The Twin QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon