John's Pov
Naka upo kami dito sa upuan namin dito sa lab room habang hinihintay ang profesor namin ng dumating sina Hannah.
May dala silang mga libro.
Umupo na sila sa upuan nila. Tapos nung nilagay na nila sa mesa nila ang mga libro nila ay tinignan ko kung anong title. Nakaka curios kasi eh. Pano ba naman kung maka hawak sila parang may aagaw.
Kay Hannah ay The Strength of Physical Abilities.
Kay Laila ay The Book of Weapons.
Kay Jane ay The Legend of Dark Element.
At kay Jaze naman ay Book of Special Abilities.
Nag-aaral talaga sila huh.
Yaan na nga. Di ko na sila pinansin.
Dumating na ang Profesor namin kaya nakinig na lang ako.
"Okay. I will give you an activity. So mag groupings tayo. Since 24 kayo lahat I will group you into 3.
First group is, blah, blah, blah, blah, blah, blah, blah, and blah.
Second group is, blah, blah, blah, blah, blah, blah, blah, and blah.
And for the last group is the third group. Will be. Laila Marion Guanzez, Hannah Judet Brown, Jane Uri Hiroshima, Jaze Umi Hiroshima, Frost Aron Wilson, John Ikaro Cortez, Liam Crist Ocampo, and Reyland Trevor Jones.
Okay. Ngayon. Mag-lalaro tayo. Pero bago yun. Kailangan pumili muna kayo ng lugar kung saan tayo mag-lalaro." Naka ngiti niyang sabi.
"Anong lugar naman po?" Tanong ng isa sa kaklase namin.
"Pumili kayo.
Ang Nightmares Forest? Or Ang Death Forest?" Naka ngiti niyang tanong. Sari sari namang reklamo ang mga kaklase namin maliban na lang sa apat na babaeng nasa harapan namin na tila relax na relax lang. Sa bagay, di pa sila nakaka pasok sa dalawang forest na yun. Pati kami di pa pero sabi nila wala raw nakaka labas ng buhay doon.
"Prof. Sa Death Forest na lang po." Sabi ng mga kaklase namin.
Ang sabi nila, puro patay daw ang puno sa Death Forest, nakaka takot daw. Kaya namamatay ang pumapasok doon dahil sa takot.
Ang Nightmares Forest naman ay ipinapakita sayo ang mga bagay na kinatatakutan mo. O ang mga parte ng mga madilim mong nakaraan.
"Oka----"
"Prof. Kung sa Nightmares Forest na lang kaya." Suhistyon naman ni Hannah. Anla ka! Baliw ba siya?!
"Masyadong madami ang pabor sa Death Forest Hannah. Pero papaboran kita kong may sapat kang rason." Sabi naman ni Prof.
Napa ngisi naman si Jaze at pa cool na tumayo.
"Mas maganda po sa Nightmares Forest. Dahil doon malalaman natin kung kaya ba nating labanan ang mga kinatatakutan natin. Sinasabi ko ito hindi para sa sarili ko. Sinasabi ko ito para sa inyo na din. Kung sa Nightmares Forest tayo pupunta. Mapapatunayan natin na hindi tayo duwag kasi na kaya nating labanan at ipag-sawalang bahala. Ang mga kina tatakutan natin." Mahabang sabi ni Jaze.
"Good. I'm impress. So our game will be held............
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At the Nightmares Forest."Lagot talaga!
***