HM Lorence's Pov
Tok! Tok! Tok!
"Come in!" Pumasok naman ang apat na Princepi na may mga seryosong mukha.
"Ano kailangan niyo?" Tanong ko.
"Bakit di mo sinabi na andito na pala ang dalawa pang Elementalist?" Seryosong tanong ni Liam.
"Kakarating lang nila ka gabi. Kaya di ko na inanounce." Sabi ko.
"Pano na yan HM. Di ba tayo susugod? Kumpleto na kami." Sabi ni Frost.
"Kailangan niyo pa din mag-palakas. At isa pa di pa masyadong malakas ang pwersa natin. Di natin sila matatalo ng ganon gano na lang." Sabi ko.
"Kung sana andito lang ang apat na Princesa, kung sana buhay pa sila." Malungkot na sabi ni John. Tapos lumabas na sila.
Napa buntong hininga naman ako. Kailan ba sila lalantad?
"Sa tamang panahon." Narinig kong sabi sa akin gamit ang telephaty.
Napangiti naman ako. Sa tamang panahon. Mag-hihintay kami. Pakibilisan na lang, mga Princesa.
Jaze's Pov
"Na kaka asar yung mukha niya ha." Inis na sabi ni Jane.
Andito kami sa dorm ngayon. Kanina pa siya diyan, paulit ulit niyang yung sinasabi. Di ba siya napapagod?
"Wag mo na kasi isipin yun." Hannah.
"Gutom na ako. Sino sama?" Tanong ni Laila habang nag so-sout ng jacket.
"Di ako sasama, dalhan mo na lang ako. Tinatamad ako eh." Hannah.
"Eh ikaw Jane?" Laila.
"Dalhan mo na lang din ako. Baka makita ko pa pag-mumukha nun, na bubwesit lang ako!" Inis na sabi ni Jane.
"K, pero sa tingin mo ba lalabas pa yun ng dorm sa ganitong oras? Its almost 12 in the midnight. Jaze wanna come?" Laila.
"Sama ako. Kukuha lang ako ng coat." Sabi ko at pumunta sa kwarto ko tapos kumaha ng coat.
Pumunta na kami sa canteen malapit dito. Masyado na kasing malayo ang cafeteria.
Ang canteen dito ay nasa gitna na parang border ng Boys dorm at Girls dorm.
Pumasok na kami sa canteen at bumili ng apat na noddles. Di namin pinalagyan ng mainit na tubig kasi kaya naman namin yung lutuin sa dorm.
Bumili din kami ng ham, karne, at mga checheria. Palis na sana kami ng may maka bangga ako buti na lang at di nahulog ang mga dala ako.
Tinignan ko ang naka bangga ko at si Reyland pala.
"Sorry." Sabay na sabi namin. Nag-bow lang ako at umalis na kami doon.
Habang nag-lalakad kami pabalik sa dorm namin ay nag-tanong si Laila.
"What was that?" Laila.
"Huh?"
"Yung kanina. Bakit ka nag-bow sa kanya?" Laila.
"I was used to it. I lived in Korea for 9 years." Sabi ko.
"Ah, you know. Before I get here, you know my story. My foster parents lived in Australia for five years so. I learned a lot also." Naka ngiti niyang sabi. Nginitian ko din siya.
Ng dumating na kami sa dorm ay kumain na kami at nag-movie marathon.
-----------
Laila's Pov
Nasa library kami ngayon. Nag-babasa. Wala naman kasi kaming magawa kasi wala ang profesor namin kaya free time namin ngayon.
Ang binabasa kong libro ay ang The Book of Weapons.
Para mas malaman ko pa kung paano gamitin ng maayos ang weapon na minana ko kay mama.
Hinanap ko yung page ng weapon na binigay ni ina sa akin.
At ito. Nakita ko na, nakita ko na ang page.
The Lightning Blade
-this blade ia been pass by generations to generations. This blade is a gift from the Goddess of Lightning, Goddess Lightania. To the royal family of the Lightning Kingdom.-This blade has the ability of speed, and it is a Lightning bender.
-the strength of the blade is depend on the user. The user should be strong, intelegent, bra---------
Naputol ang pag-babasa ko dahil may tumawag sa akin.
"Laila. Tayo na. Next subject na." Sabi ni Jane kaya tumango ako at dinala ang libro. Kita kong may dala din silang libro.
Kay Jane ay The Legend of Dark Element.
Kay Jaze naman ay Book of Special Abilities.
At kay Hannah naman ay The Strenght of Physical Abilities.
Taray ah! Talagang seryoso tayo sa pag-papalakas nito.
Pumunta kami sa librarian at hiniram ang mga libro na dala namin. Pumayag naman sila. Pumasok na kami sa classroom namin which is sa lab room kasi about sa potion ang subject namin.
Umupo na kami sa upuan namin. Kung dun sa first subject namin about sa history ay nasa pina ka likod kami dito naman ay second to the last ang row namin dahil yung apat na Prince ang naka upo sa pina ka huli. Pinag-patuloy ko na ang naudlot kong pag-babasa.
***