Chapter 5 - Ethan's POV

170 10 2
                                    

Lumabas ako ng room para magCR. Nagulat ako ng makita ko siya.

Nakita kong nagulat din siya saken. Nagkatitigan kami pero nauna siyang umiwas ng tingin. Hindi ako makalakad gusto ko lang siya tingnan.

“T-Tapos n-na ba kayo magpraktis?” sabi niya. Yung tono niya parang nahihiya at nakakapanibago hindi naman saken nahiya to kahit kailan lage lang siyang nakangiti saken. Pero ngayon iba. Iba siya.

“Hindi pa.” sabi ko at umalis na. Iniwan ko na siya ayoko makita siyang ganun ang lungkot niya eh.

Naglakad na ko papuntang CR. Naalala ko yung itsura niya kanina. Hindi ko alam pero parang namiss ko yung pagngiti niya saken. Naalala ko yung huli ko siyang nakitang malungkot yung time when she confessed to me.

**Flashback**

“Crush kita!”

O__O “a-ahh okay” nagulat ako sa sinabi niya.

“Yun lang?” sabi niya na lalo kong kinagulat. Di ko alam kung anong isasagot ko.

“Bakit ano ba dapat kong sabihin?” yan na lang ang nasabi ko. Feeling ko napahiya ko siya sa mga kasama niya. Kung kanina kabado yung mukha niya ngayon ang lungkot na. Bigla siyang nagpout ang cute nga eh at tumakbo na siya.

“Tin!!!” tinawag siya ng mga kaibigan niya. So Tin pala name niya. Nickname ata. Nakatingin silang lahat saken.

“I’m sorry. Di ko alam kung ano ba talaga dapat sabihin eh. Pakisabi sakanya salamat” yun na lang ang nasabi ko bago naglakad ulit at nakita ko naman silang ngumiti.

Kinabukasan. Nakita ko siya mag-isa lang siya tumatakbo parang late na ata siya. Nakita niya ko at nagsmile siya. Akala ko nagalit na siya nung nakaraan eh.

Simula non lage na siya nakangiti saken tuwing magkikita kami.

**End of Flashback**

Siguro may bago na siyang crush kaya iniiwasan na niya ko. Pero bakit nalulungkot ako. Kasalanan ko naman kung umiwas na siya saken. Wala akong ginagawa kahit alam ko naman na nagugustuhan ko na din siya. Pero ayokong maulit yun ulit. Ang masaktan.

Lumabas na ko at bumalik sa room. Andun pa din siya.

Natutulog siya. Tiningnan ko muna siya ansarap ng tulog. Biglang parang matutumba siya. Sinalo ko yung ulo niya at naupo sa tabi niya. Nilagay ko yung ulo niya sa balikat ko. Hanggang sa makatulog na din pala ko.

Angingay naman. Inaantok pa ko. Minulat ko ang mga mata ko.

O__O

Napatingin ako sa katabi kong natutulog pa din. At tumingin ulit sa nakapaligid samen.

“Kaya pala hindi ka na nakabalik ah cause you’re with Tin” sabi ni Mark kaibigan ko. Nakatingin lahat ng kagrupo ko.

“Ayieeeeeehhhhhh” naghiyawan na silang lahat at wala na kong nasabi.

Ang ingay nila kaya nagising na din siya. Naginat-inat pa siya. Parang di pa siya aware sa paligid.

“Haayyy!!!(yawn) Ansarap ng tulog ko ah” sabi niya at ngumiti pa. Maya maya…

O__O

Katulad ko gulat na gulat din siya ng makitang nakatingin lahat samen. At mas lalong nagulat siya na makitang katabi ako.

Tinakpan niya yung mukha niya ng mga kamay niya. Halatang nahihiya siya. Bigla siyang tumayo.

“Wag niyo nga kami tingnan ng ganyan!!!” sabi niya.

Nagulat kaming lahat sakanya. Namumula kasi siya. Ewan ko pero natutuwa talaga sakanya.

“Kayo!!!” sabay turo sa mga kaibigan niya. “Bakit tawa pa rin kayo ng tawa?” dugtong niya.

“Cause you’re blushing girl” sabay sabay nilang sabi. Napahawak tuloy siya sa mukha niya at parang magwa-walkout. Nang biglang…

O__O

O__O

O__O

Nagulat silang lahat kahit ako gulat din sa ginawa ko. Hinawakan ko pala yung dulo ng t-shirt niya para pigilan siya. I suddenly felt my heart beating fast.

“Ayieeeeehhhhh” naghiyawan na naman silang lahat. Humarap siya saken at gulat na gulat din. Binitawan ko na yung t-shirt niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napayuko na lang ako.

“You’re both blushing!” di ko na alam kung sinong nagsalita.

Tumayo na ko at umalis. Iniwan ko silang lahat.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon