Chapter 3 - Tin's POV

212 12 0
                                    

“TIN!!! Ano ba di ka pa ba talaga babangon diyan? Mauuna na ko!Bahala ka diyan!”

Grabe naman to si Ate An makagising antok pa kaya ko. I have no choice but to wake up kundi wala ko kasabay pagpasok.

“Goodmorning” bati ko sa dalawa kong ate.

“Buti naman naisipan mo na bumangon” sabi ni Ate An.

“Tara kaen na tayo! Malelate na din ako sa work ko” sabi naman ni Ate Em.

Nakarating na din kame sa school.

“Goodmorning Tin, goodmorning An” bati samen ng mga friends namen.

“Goodmorning din girls! geh una na ko ah late na naman ako kay sir!” sabi ko sabay alis.

Pagdating ko sa classroom as usual nagkaklase na sila.

“Late ka na naman! Finals na teh. Change for the better!” agad na sinabi saken ni Hariet pagpasok ko. Close friend ko din to kasi kacourse ko siya. Siya halos lage ko kasama dito sa school.

“Oo nga nakakahiya nga kay sir eh. Pero ok lang yan si sir lang naman yan magaling naman ako sa subject niya eh. Natsci 2 lang yan teh!” sabi ko.

“Makapagsalita to! Nahiya ka pa niyan ah!” sabi ni hariet.

“Whatever! Anyways, nu balak mo after this class?” sabi ko pagpapalit topic.

“As usual eh di magmall! Its Monday kaya! Remember?! I’ve got my allowance” sabi niya

“K. fine” okie na din yun kesa naman tumambay ng 2 hours. Actually ganito naman kame lage.

Ayun nga natapos na din ang klase at nagmall na kame.

“Ui kaen muna tayo! Nagugutom  ako!” reklamo ko kay Hariet.

“Kakadating pa lang naten dito ah di ka ba nagbreakfast? Don’t tell me napagod ka agad pagpunta dito! Walking distance lang tong mall from school!” sagot sakin ni Hariet. Ganito kami madalas. Kabisado ko na yang lines niyang yan.

“Andame mo sinabi di ba pwedeng nagutom lang talaga ko! Iwan kita dyan makita mo!” haha alam kong di nito kaya magshopping mag-isa. Napakadependent niya kapag pumipili.HahaXD

“K fine!” sabi niya. Sabi ko na nga ba eh! hahahaXD

We decided to eat in Yellow Cab. As usual treat niya since siya naman nagpasama eh:D

While eating napatingin ako sa labas since glass lang yung wall. Then someone caught my eyes.

Bigla akong napatayo at sinundan yung nakita ko.

“Girl san ka punta?” narinig kong sigaw ni Hariet at ako patuloy sa pagtakbo.

“Just wait me here ok?” sagot ko sakanya at tska tumakbo ulit.

Di ako pwede magkamali siya talaga yun eh. Sinundan ko sya! Tama nga ako si Kuya Gwapo nga yun! I knew it!ahaha

Eto ako nakatago ngayon habang nakatingin kay Kuya Gwapo. May hinihintay ata siya. Nagulat ako ng bigla siyang napatingin sa side ng pinagtataguan ko. Nakita niya kaya ako? No way! Nakakahiya!

Lumingon ako ulit. Hay salamat parang hindi naman ata.Ganun pa din kasi, andun pa din siya.

Maya maya may dumating na girl. Wow chix! Ang ganda nia ah. Umupo siya sa tabi ni Kuya Gwapo.

</3

Nu ba yan taken na pala siya sayang yung pagstalk ko! What am I saying? Stalk? Ako stalker? No way! Sa ganda kong to?haha

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon