Chapter 8 - We meet again

166 12 2
                                    

Ang sarap ng gising ko. Walang pasok ngayon pero may praktis kame ng volleyball kaya maaga ko gumising. Practicum namen eh. Actually may pasok sila ate An ngayon. Ggress nila pero dahil tapos na sila sa discussion wag na lang daw magmeet sabi ng prof nila. Next week na lang daw pag-exam.

“O ngiting-ngiti ka diyan? Kahapon lang asar na asar ka ah” sabi ni ate An.

“Bakit ano nangyari kahapon?” pangungulit ni ate Em kay ate An. Ang aga niya nagising ngayon ah.

“Wala namang nangyari kahapon teh! Maganda lang panaginip ko kaya ako nakangiti.” sabi ko.

“Ano namang napanaginipan mo?” sabi ni ate Em.

Wala naman talaga kong napanaginipan. Naalala ko lang yung sinabi ni Ethan bago niya ko iwan sa Canteen kahapon.

“Ay nalimutan ko na eh” hahaha. “Kain na tayo gutom na ko!” nice Tin!

Ayun nga nag almusal na kami. 7 am na! Maaga kami magpapraktis kasi mainit pag mamaya pa.

Nagkita-kita na kami. Dahil maaga pa andaming nagjojogging. Sinimulan na din namin maglaro.

“Aaaaaayyyyy!!!” wala akong ginawa kundi tumili at iwasan ang bola. Wala na ko pag-asa. Di ko maipapasa P.E.4 ko T_T

Pagtingin ko andami na palang nanunuod. Nakita ko yung mga schoolmates namin. Mapapraktis din ata. Pati si Ethan andun. Nakita niya siguro yung katangahan ko. Nakakahiya >.<

“TIN!!! Watch out!” narinig kong sabi nila.

Pagtingin ko malapit na sakin yung bola. Hindi ako makagalaw. Bahala na!

Bakit hindi masakit?!Ano nangyari? Naramdaman kong may nakayakap saken. Pagtingin ko…

O__O

 “S-Spencer??” sabi ko. Ngumiti siya saken.

“Nasaktan ka ba?” sabi niya.

“A-ahh. Hindi. Thanks.” sabi ko pero napatingin ako sa arm niya. May gasgas siya.

“May sugat ka! Sorry!” sabi ko.

“Don’t worry. I’m Fine!” sabi niya at ngumiti.

“Fine ka dyan. Eh may dugo-dugo oh! Wait!” pagkasabi ko nun kinuha ko yung panyo ko at kumuha ng tubig yung mineral water ko at bumalik sakanya.

“Hugasan natin yan baka may bacteria’ sabi ko at pagkatapos tinali ko yung panyo ko sa braso niya. Ginawa ko munang bandage.

“Thanks. Naaalala mo pa pala ko…Tin” sabi niya.

Yung pagkasabi niya ng name ko may kakaiba akong naramdaman. Katulad nung feeling nung sinabi ni Ethan yung name ko.

“A-ahh! Oo naman!” sabi ko.

“Ang sweet niyo naman! Tayo na kaya kayo muna diyan!” si Nica ang nagsalita. Napatingin ako sa paligid. Wow ha andaming audience. Tumayo na kaming dalawa.

“Magkakilala kayo?” sabi ni Ate An.

“Ahh. Oo. Siya nga pala si Spencer!” pagpapakilala ko sakanila.

Nagulat sila. Naikwento ko na sakanila si Spencer pero di pa nga pala nila nakita. Halatang gwapong-gwapo sila. Hahaha. Pinakilala ko din naman silang apat. Si Ate An, Nica, She at Jhen. Wala si Hariet ngayon di niya tuloy nakita.

“Kayo muna magpraktis ah. Bili muna kaming band-aid.” sabi ko sakanila.

“No need. Ok na tong panyo mo.” sabi ni Spencer.

Nagtinginan silang apat at halatang kinikilig sila. Ako din syempre kinikilig. HahahaXD

“Sige una na ko” sabi ni Spencer at nagbye na nga samen.

“Teka!” sabi ni Nica. Ano naman kayang balak niya.

“Pwede makuha number mo?” dugtong ni Nica.

Natawa kaming lahat. Eto namang si Spencer binigay naman. Siguro nga sanay na to magbigay ng number kung kani-kanino. For sure sa gwapo niyang yan madaming nanghihingi ng number niya.

“Lagot ka Nica sa gf niyan!” sabi ko.

“Ha?” sabi ni Spencer.

“Yung kasama mo sa mall!” shocks ang daldal ko >.<

“Ahahaha hindi ko yun girlfriend.” sabi niya. Buti naman hindi na siya masyadong nagtaka.

“Wag ka mag-alala wala akong girlfriend” sabay wink. Bakit parang natuwa ako sa sinabi niya. Napangiti tuloy ako.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon