Chapter 7 - Ako at si Crush

176 11 2
                                    

9:00 am sa school…

Nagmadali ako papunta sa Bulletin Board namin. Grabe lahat ng kagroup ko pati kagroup nila ate An andun.

“Yan na pala si Tin eh!” sabi ni group leader. Di ko na siya pinansin at agad pumunta sa harapan ng board.

O__O

OMG!!! So totoo nga! Napanganga na lang ako sa harap ng bulletin board.

“Ethan” narinig kong may sumigaw. Nakita kong inakbayan siya ni Mark at dinala sa harap ng bulletin. Nagkatitigan pa kami syempre umiwas ako nakakahiya kaya noh.

Kagaya ko nakita kong nagulat din siya. Siguro hindi niya din alam ang gagawin. Kaya naman…

Kinuha ko yung picture. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Humarap ako kay Ethan.

“Sorry” sabi ko sakanya habang nakayuko. Alam ko naiinis siya sa nangyayari. Ikaw na maissue.

-__-

Nagulat ako. Kinuha niya saken yung picture sabay kuha sa wallet niya at tsaka nilagay yung picture namin.

“Wag ka mag-sorry wala ka naming kasalanan eh” sabi niya at tsaka umalis. Lagi na lang siyang ganun. Boy Walk-out !!

Syempre nashock kaming lahat. At ayun nang-aasar na naman sila. Ako na naman ang naiwan. Ako na naman ang kawawa -__-

“Tigilan niyo na nga ako! May play pa tayo! Uuwi talaga ko pag di niyo ko tinigilan” sabi ko sakanila. Mas mabuti ng magspecial exam na lang kesa ganito.

“Ano nakaget-over na kayo?” asar kong sabi.

“Oo na po! Pero infairness girl ah kinilig ako sa ginawa ni Ethan. Itago ba naman yung picture niyo dun sa wallet niya.” Sabi ni Hariet. Ayan nagtawanan na naman sila.

“Geh na nga una na kame. Magpeprepare na din kami! Maya na natin ituloy!” sabi ni Nica.

“Goodluck saten!” sabi nila bago umalis.

**********

Play na. Andito kami sa likod nakastand-by. Kami na kasi next. Tapos next yung group naman nila ate An. Kaya halos magkakasama lang kami. Nakita ko si Ethan. Hindi siya mukhang kinakabahan. Ang cool pa din niya tingnan. Ang cute niya pa din sa suot niya kahit formal yun.

“Ui girl tayo na kaya!s Mamaya mo na siya titigan ulit!” sabi ni Hariet.

Successsful naman yung play namin sa ngayon yung group na nila ate An ang nagpeperform. Gusto kong manuod kaso baka mailing si Ethan pagnakita ko. HahahaXD. Dame alam! Eto ko ngayon sa Canteen. Nagmemeryenda. Nagutom na ko eh. 2:00 pm na kaya di pa kami naglulunch. Halos lahat ata nanunuod sa play kaya walang tao dito. Yung iba naman may klase.

“Nakakauhaw naman tong kinakaen ko.” patayo na ko ng biglang may nag-abot ng tubig.

O__O

“E-Ethan” nagulat talaga ko sakanya. So tapos na pala yung play nila.

Binuksan niya yung bote ng mineral.

“Oh! Diba nauuhaw ka” sabay abot ulit nung tubig.

“Ahh.Oo. thanks.” Sabi ko at uminom na nga. Umupo siya sa tabi ko.

“Bakit ka pala nandito?” ay ano ba yang natanong ko. Stupid!-__- Ano bang ginagawa sa Canteen??Malamang kakaen.

“Nauhaw kasi ko eh!” sagot niya.

“Ahh” sabi ko.

“Pwede magtanong?” nasabi ko na lang antahimik kasi eh.

“You just did.” sabi niya sabay ngiti.

>3>

Napahiya ako dun ah.

“Ka-kahapon bakit mo ko pinigilan magwalk-out?” bahala na. Curious naman talaga ko.

“Ahh. Yun ba? Hindi ko nga alam eh!” sabi niya.

“Hindi mo alam?” mahinang sabi ko with disappointment. >3>

“Eh kanina bakit mo naman kinuha yung picture naten? Tinago mo pa sa wallet mo” sabi ko. Sige anong isasagot mo ngayon. HahahaXD

“Ahh. Yun ba? Ang cute ko kasi dun.” sabi niya.

Nyeehh…Oo na lang! Akala ko sasabihin niya – “Ang cute mo kasi dun eh gusto ko laging tingnan yun.” Hahaha. Assuming much!XD

“Ahh…” sabi ko na lang. Kainis naman to. Pagkatapos akong pakiligin, echoz lang pala lahat.

“Ako naman magtatanong. Ok lang ba?” sabi niya.

“You just did.” Sabi ko. Nakaganti rin. Nasa ibabaw ng table ang both hands ko at nakapatong ang mukha ko dun. Parang nakahiga yung mukha ko sa kamay ko habang nakaharap sa side ni Ethan. Yun na yun.

“Bakit mo ba ko naging crush?” nagulat naman ako sa tanong niya. Biglaan ah! Mang-interview daw ba.

“Ahh.Yun ba? Hindi ko nga alam eh” sabi ko. Hahaha.

“Sure ka bang crush mo lang ako? O mahal mo? Minahal mo ng walang dahilan.” Nakangiti niyang sabi ng nang-aasar.

Napaayos ako ng upo. Natulala sa sinabi niya. Nagkamali pa ko ng sinabi kanina. Yan tuloy kung anu-ano na sinabi niya. Magsalita ka Tin! Humarap ako sakanya at tiningnan siya.

“H-hindi ahh! Crush lang talaga kita! Pano mo nasabing mahal na kita! Feeling ka naman! Kahit itanong mo pa sa mga kaibigan ko eh! Oo alam kong hindi na ko naghanap ng ibang crush dito sa school nung naging crush kita! Pero it doesn’t mean that love na yung nararamdaman ko sa’yo” tuloy tuloy kong sabi. Nakakahingal ah!>.<

“Sige sabi mo eh” sabay ngiti.

Tinititigan niya ko. Nu ba yan!>.<

“Panget” bigla niyang sabi. Ano daw? Ako panget?

“Anong sabi mo?” naiinis kong sabi >.<

O__O

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

“Sabi ko ang cute mo……Tin” sabay umalis siya at ako naiwang nakatulala.

Feeling ko ampula pula ko. Bakit ang sarap sa tenga nung pagkakasabi niya name ko? Ganyan siya lage, gagawa ng bagay na nakakakilig tapos ano? Malalaman kong echoz na naman. Ay bahala na. Basta kinikilig ako ngayon.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon