Chapter 14 - Waaahh ang gulo!!!

132 8 0
                                    

(Tin’s POV)

Iniwan niya talaga ko ah! Ayaw pa kasing umamin gusto na niya ata ako eh. AhahahaXD Eto na naman ako sa pagiging assuming. Naku Tin parang di ka na nasanay diyan kay Ethan. Magaling lang yan magpakilig eh. Ine-echoz ka lang niyan. Oo na! whatever!

“Basta magugustuhan din ako niyang Ethan na yan! I swear!” sabi ko sa sarili ko.

“Pano na si Spencer?” may nagsalita sa likod ko.

“Kanina pa kayo dyan?” tanong ko kina Nica.

“Hindi naman ngayon lang. Umuwi na tayo” sabi ni Ate An.

“Bakit mo naman kinakausap sarili mo ha? Antagal mo pa bumalik. Ano bang ginawa mo?” sabi ni Jhen.

“Wala naman! Tara na nga” ayun nga umalis na kami.

Fast forward…

Andito na kami sa bahay ngayon. Kagaya ng pinromise ko sakanila ikekwento ko lahat-lahat ng nangyari kanina pero bago yun syempre nagdinner muna kami.

Excited lahat sila sa kwento ko. Pagkakain namen agad na silang umakyat sa kwarto ni Ate An.

Yung una di ko alam kung panu at saan ko sisimulan. Parang andame kasi masyadong nangyari ngayon.

Dun ko na lang sinimulan nung magkatext kami ni Spencer at Ethan.

“Andaya mo naman Tin!!!” sabay sabay nilang sabi.

“Si Spencer naman unang nagyayaya eh patoss coin toss coin ka pang nalalaman!” sabi ni Nica.

“Oo nga Tin!” dapat first come first serve” sabi naman ni Jhen.

“Bakit ba eh sa gusto ko din pumunta kay Ethan eh. Eh di nagtoss  coin na lang ako para fair!” sabi ko.

“Anong fair dun???” sabi nilang lahat.

“Oo na. Mali na ko! anyway…Ate An panu mo pala nalaman na may nagturo saken? Nagulat kasi ako sayo kanina eh” iniba ko na lang yung topic.

“Si ate Em nagsabi saken. Naabutan ko pa siya bago siya pumasok tas sinabi niya saken umalis ka nga raw. Pupunta ka daw sa kaibigan mo dahil tuturuan ka magvolleyball” sagot niya.

“Ahh” sabi ko naman.

Pinagpatuloy ko na yung kwento. Grabe kada sasabihin ko may comment sila palage. Mga kilig na kilig pa. Mas kinikilig pa sila saken eh. Kinwento ko hanggang sa nangyari kanina bago umuwi si Ethan.

“Grabe ka Tin! Dala-dalawa sayo! Anlande mo ah!” sabi ni She

“Feeling ko gusto ka na ni Papaitan (Papa Ethan) eh! Nahihiya lang umamin!” sabi naman ni Nica

“Kay Papa Spencer ako! Ang sweet kaya niya!” sabi ni Jhen.

“Ikaw Tin sino ba mas lamang?” tanong ni Ate An.

Oo nga noh. Kahit ako naguguluhan na ngayon. Di ko alam na mararanasan ko ngayon tong mga nangyayari sa lovelife ko ngayon. Grabe! Kalerkey! AhahahaXD

“Hindi ko alam!” sagot ko sa tanong niya.

“Anong hindi alam? May lamang pa rin sakanila diyan sa puso mo!” sabi ni Ate An.

“Waaahhhh! Tama na nga to! Ginuggulo niyo ko eh! Matulog na tayo. 8 kaya pasok ko bukas. Remember?” sabi ko sakanila sabay takbo papunta sa room ko.

“Ui Tin. Andaya mo naman eh!” sabi nila.

Bahala sila dyan!

Humiga ako sa kama ko. Napaisip ako sa tanong ni Ate An ah. Hindi ko masagot kasi pareho ko silang naisip nun.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon