Chapter 10 - Kami ni Ethan^^

193 13 5
                                    

(Tin’s POV)

5 a.m. ko inalarm ang phone ko. Eto nagaalarm na ngayon. Grabe antok na antok pa ko. In-off ko yung alarm at natulog ulit.

“Tin!!!” pagtingin ko si Ate Em pala. Ginigising ako.

“Akala ko ba maaga ka ngayon ginising gising mo pa ko kagabi para gisingin kita ng maaga. 6:30 na.” nagulat ako sa sinabi ni ate Em. Napabangon ako.

“Ano 6:30 na. Hala lagot! Thanks ate Em. Geh maghahanda na ko.” lumabas naman siya at naligo na ko. Mabilis akong kumilos. Nag-ayos ako syempre. Magdedate ata kami ni Ethan eh. AhahahaXD

Time check 7:10…Lagot na ko niyan. Nga pala di ko pa natext si Spencer. Itetext ko muna na di ako makakapunta.

Nagreply siya agad.

(Ahh gnun b?cge ok ln..uuwi n lng aq) naguilty naman ako sa reply niya. Bakit kasi nalimutan ko siya itext agad.

(Sorry:<) send…

(Ok ln^^) reply nia… di ko na siya nireplayan lagot na ko kay Ethan.

Kumuha na lang ako ng sandwich na ginawa ni ate Em at tsaka umalis na.

Nakarating din sa school.

Time Check 7:45…

Nakita ko si Ethan. Nakatalikod siya pero alam kong siya yun. Nageexercise siya. Lumapit na ko. Kinalabit ko siya. Hindi siya humaharap. Kinalabit ko ulit. Tuloy pa din siya sa pageexercise. Kinalabit ko ulit. Tumigil na siya. At dahan dahang humarap saken.

“Goodmorning^^” sabi ko at nginitian siya.

“Bakit ngayon ka lang? 45 minutes mo ko pinaghintay!” sabi niya seryoso yung mukha. Bakit ba siya nagagalit.>.<

“Nalate ako ng gising eh” sabi ko na lang.

“Bakit ganyan suot mo?” sabi niya. Nagulat ako syempre napatingin ako sa damit ko. Anong mali sa suot ko?Nakamaong jeans ako at hanging blouse nakatak-in. Ang cute nga eh. Bagay na to sa date namen. Naalala ko yung text niya…

(pnta ka skul 2m 7am hntyin kta s field)…Napatingin ako sa damit niya. Ang simple lang para siyang maglalaro ng volleyball. Nakatshirt siya at jogging pants.

Ang tanga ko naman. Sabi niya nga sa field kami magkita eh kung date yon bakit nga naman dun niya ko paghihintayin tas ang aga pa.

“Ahh…May pupuntahan kasi ko mamaya eh. Teka nga bakit mo ba kasi ko pinapunta dito?” palusot ko.

“Tuturuan kita magvolleyball para sa practicum niyo mamaya. Magpalit ka na.” sabi niya sabay talikod at nagwarm-up na ulit. Ako naman nagpunta na sa locker room ko para kunin yung rubber shoes ko. Buti na lang dinala ko na yung gagamitin ko mamaya para sa p.e. Tshirt at shorts lang. Itetxt ko na lang si ate An at magpapadala na lang ako mamaya ng damit. Nagpunta na ko sa C.R. at nagpalit. Tinali ko lang yung buhok ko. Ang ganda ko pa din. Ang sporty ko tingnan ah!hahaha. Bumalik na ko sa field.

“Bakit ka nakashorts?” sabi niya agad saken nung nakita niya ko.

“Bakit ano ba dapat? Mas madali kayang kumilos pag naka shorts.” sabi ko

“Magpants ka na lang!” sabi niya.

“Bakit ba? Di ba bagay saken naka shorts?” sabi ko.

“Oo. Hindi talaga bagay kaya magpants ka na lang!” sabi niya.

“Ang yabang! Tsk…” sabay talikod ko pagkasabi ko nun. Nagdabog ako papunta sa locker room at kinuha yung P.E uniform ko. Yung pants ko lang pala kinuha ko at nagpalit na. Pagkatapos bumalik na ko. Nakasimangot pa din ako syempre.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon