Chapter 4 - I think I should give him up

181 10 1
                                    

(Tin’s POV)

Sa school…

“Ok next week is your final exam and since meron na kong pinagawang journals sainyo madali na lang yung ginawa kong exam sainyo. 70 items yun.” sabi ni sir. Marketing prof namin.

“Ano ba yan 70 items? So parang 30 points lang yung journals naten? Ano ba yan!!” sabi ni Ar-ar kagrupo ko sa journal namen. Matalino siya at madami din nagkakagusto sakanya pero ang tingin namen nila Jhen sakanya ay silahis. HahahaXD. Ansama namen pero parang totoo naman talaga eh. Si Jhen ang nakapansin non. Siya ang pinaka observer sameng magkakaibigan.

Nag-ingay na lahat puro sila reklamo kay sir. Syempre ako din no hang hirap ba naman gumawa ng journals. Sana man lang ginawa niyang 50 points yun diba.

“When I say final it’s final! If you like wag niyo na lang itake yung exam. Madali akong kausap! Yung grade niyo na lang sa journal niyo ang irerecord ko as your exams. ” nagulat kaming lahat sa sinabi ni sir.

Wala na kaming nagawa. Ang lungkot na lang naming lahat.

Fast forward..

Next Class na...

Habang nagpapraktis kami sa play namin sa Philit (Philippine Literature) for our final exam naikwento namin sa mga kagrup namin yung nangyari kanina sa Marketing. Same din yung reaction nila sa reaction namin kanina. General practice namen ngayon kasi tomorrow na yung play namin. Pagod at pawis na ko. Pano ba naman isa ako sa mga scriptwriter ng scenes sa play namen at the same time ako din nagdidirect dun sa ginawa kong script kaya ayun pagod talaga ko.

“Wait guys. I’ll just change my clothes. Super pawis na kasi ko eh.” Hindi kasi pwedeng buksan yung aircon dito sa room pag walang klase eh. Kaya nagtitiis kami sa electric fan.

Naglakad na ko papuntang CR. Nakayuko ako habang naglalakad. Pagtingala ko nakita ko siya at magkakasalubong kami. Tama si Ethan nga.

Tiningnan ko siya. Nakatingin din siya saken pero this time di ako nagsmile sakanya. Emotionless ang mukha ko. Nilagpasan ko lang siya. Paglagpas ko, nalungkot ako pero sabi ko nga sa sarili ko nung gabing yon mas tama kung di na ko aasang magkakagusto pa siya saken.:<

Pagkabihis ko agad akong bumalik sa praktis.

“Oh girl bakit ganyan mukha mo? What happened?” sabi ni Hariet.

“Ahh walang nangyari noh! Ano ka ba! Ikaw na pagod!” palusot ko na lang.

“Ah okie. Tara na tuloy na natin praktis.” sabi ni hariet at yun nga nagpraktis na kami.

“Yes natapo din natin! Uwian na!” sabi nung kagrup ko. Tuwang tuwa kaming lahat kahit na pagod na pagod na.

“Guys goodluck saten tomorrow. Let’s do our best!” sabi nung group leader namin.

“Goodluck saten!” sigaw naming lahat. Ang saya grabe. Mamimiss ko talaga tong pagpapraktis namen.

7p.m na pala. Sila ate An kaya tapos na sa praktis nila. Meron din silang play sa PhilGov nila. Yung prof nila sa PhilGov ay prof din namin sa Philit. Nagdecide yung prof namin na yun na play na lang ang magiging finals sa lahat ng hawak niyang subjects.

“Girl ano sabay ba tayo? Sabi ni Hariet.

“Wait tetext ko muna si ate An kung andito pa sila.” sabi ko at tinext ko na nga si ate An.

One message received.

From: An-unnie

(D2 pa kmi Tin sa may Respect (room name). Tpos nb kau mgpraktis? Sbay na tau umuwi dun na dw tau mgdinner kna Nica. Ngyaya kc xa. Nagtext na ko kay Ate Em.] Nireplayan ko naman siya.

“Hariet sama ka ba kina Nica dun na daw tayo magdinner.” sabi ko.

“Hindi na Tin. Next time na lang siguro. Sige bye na girl.” sabi niya.

“Ok. Ingat ka ha” sabi ko at yun nga umalis na siya.

Pumunta na ko sa Respect. Sa labas lang ako syempre. Umupo ako at dun naghintay. Biglang bumukas yung pinto. Tapos na ata sila. Pagtingin ko…

O__O

Si Ethan…

Gosh! Bakit ko ba nalimutan na kagroup nga pala nila Ate An to. Umiwas ako ng tingin kasi naman nagkatitigan kaya kami.

Hindi pa din siya umaalis. Bakit kaya?

“T-Tapos n-na ba kayo magpraktis?” sa wakas nakaisip din ako ng sasabihin. Nalulungkot ako ngayon.

“Hindi pa.” sabi niya. Di pa man lang ako nakakasagot ulit umalis na siya. Ano ba naman yan. Nakakaasar ah!>.< Nalulungkot naman ako. Sa ginawa niya mas narealize kong tama ang desisyon kong iwasan na siya at hindi na siya icrush. >.<

Umupo ako. Nagsoundtrip na lang at di ko namalayan nakatulog na pala ako.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon