Chapter 13 - Ethan's Past

132 9 0
                                    

(Ethan’s POV)

Pauwi na ko ng may bigla kong nakita…

Si Tin………………

Kasama niya pa yung bwiset na yun. Ano namang suot nila? Ang corny naman. Sila na ba? Ilang oras lang ang nakalipas sila na agad.

“Ahh:) sige alis na ko. Thanks sa time Tin” sabi nung Spencer

“Thanks din. Sige ingat ka! Bye” sagot naman ni Tin

Buti naman umalis n yung Spencer nay un.

“Spencer!” sabi ni Tin. At bakit naman niya yun tinawag pa? naiinis na talaga ko.

Paglingon nung Spencer nagulat ako ng bigla siyang napatingin saken. Nakita niya ko. Nagkatinginan kami saglit pero bumalik agad yung tingin niya kay Tin.

“Thanks pala sa tshirt” dugtong pa niya.

O__O

Loko yun ah! Nakakainis talaga. Di ko na alam kung anong sinabi niya kay Tin pero nakita kong nagsalita siya.

Nakalayo na yung Spencer nakita kong tinitingnan pa din ni siya ni Tin.

“Tatayo ka na lang ba diyan?” sabi ko.

“Kanina ka pa diyan?” sagot naman niya.

“Hindi. Ngayon lang. Uuwi na ko” Naiinis ako ngayon wala akong ganang kausapin sya.

“Ahh…wala ka ng klase?” sabi niya.

“Uuwi  ba ko kung meron!” sagot ko sakanya.

“Sungit!” mahina niyang sabi kunwari di ko na lang narinig.

“May sinabi ka?” sabi ko.

“Ah wala…sabi ko hindi mo ba ko papanuodin maglaro?” sagot naman niya.

“Bakit naman ako manunuod?” yung game nila ang tinutukoy niya.

“Syempre para malaman mo kung gano na ko kagaling” pagmamalaki niya.

“Hindi na lang”

“Wala man lang suporta!” sabi niya at nagpout pa.

“Baka mailing ka kapag pinanuod ka ng crush mo” inasar ko na lang siya.

“Sayo mahihiya ako? Hindi na uy! Baka kung kay Spencer mahiya pa ko” sabi niya. Talagang binanggit niya pa yung Spencer nay un. Badtrip na ko.

“Crush mo yun?” sabi ko na lang.

“Oo! Baki masama?” sagot naman niya.

“Eh di dun ka humingi ng suporta! Alis na ko” crush mo pala yung kumag nay un ah. Magsama kayo. Makaalis na nga.

“Jowk lang hindi ko siya crush” bigla niyang sinabi.

Ewan ko ba kung bakit pero parang natuwa ako sa sinabi niya. Gusto ko kasi ako lang crush niya. Di ko na siya tiningnan. Pumasok na lang ako pabalik sa school.

Sinundan niya naman ako.

“Nagseselos ka kay Spencer?” nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot.

“Wag ka mag-alala. Ikaw lang crush ko!”

Wag ka mag-alala. Ikaw lang crush ko!

Wag ka mag-alala. Ikaw lang crush ko!

Wag ka mag-alala. Ikaw lang crush ko!

Mas nagulat ako sa sinabi niya ngayon. Parang yung galit ko kanina nawala lahat.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon