Chapter 19 - Antipolo^^

142 9 0
                                    

(Tin's POV)

Nakarating din kame samen, sa Antipolo. Excited na talaga ko makita sila mama at papa.

Bumaba na ko ng kotse. Ganun din naman si Spencer.

Hindi ko alam kung isasama ko ba siya sa loob baka kasi magtanong sila mama ng kung anu-ano eh. Nagulat ako ng biglang...

"Ma??"

"Andito ka na pala anak. Bakit gulat na gulat ka ata?" sabi ni mama. Biglang napatingin siya sa likod ko.

"May kasama ka pala" dugtong pa niya. Nakita kong nakangiti si mama.

"A-ahh opo"

"Papasukin mo na sa loob. Mukang di pa din kayo kumain ah. Nagtanghalian na ba kayo?" tanong ni mama.

"Hindi pa nga po ma eh. Si papa po?" Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay.

"Kakaalis lang ng papa mo. Mamayang gabi na yun uuwi. Ayaw nga sana nun umalis dahil alam na pupunta kayo ni An eh kaso importante daw ang pupuntahan niya. Nga pala asan ba si An?" sabi ni mama.

Sinabi ko naman kay mama kung bakit hindi nakasama si Ate An saken. Sinabi ko din na miss na sila ni Ate An.

Sa kusina na kami dumiretso. Pinaghandaan kami ni mama ng pagkain. Hindi naman niya muna kami kinausap. Pinabayaan niya muna kami kumain.

Tapos na kami kumain ng biglang pumasok si mama sa kusina.

"Ano iho? masarap ba yung luto ko?" tanong ni mama kay Spencer.

"Opo tita. Masarap po" sagot naman ni Spencer.

"Tara dun tayo sa salas magkwentuhan" sabi ni mama. Nauna na siya maglakad. Sumunod naman kami ni Spencer.

"Upo ka" sabi ni mama kay Spencer.

"Thank you po Tita" sabi naman niya.

"Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?" tanong ni mama. Sabi na nga ba eh napagkamalan ni mama na boyfriend ko si Spencer. Tumingin lang saken si Spencer.

"Bakit  hindi ka nagkukwento anak?...(tumingin naman siya kay Spencer) Alam mo bang ikaw ang una niyang naging boyfriend?" Adik to si mama nakakahiya. Nalaman na tuloy ni Spencer na di pa ko nagkakaboyfriend.

"Mama!!!..Hindi po kami ni Spencer!"

Nalungkot yung mukha ni mama. Mana ko talaga dito sa mudra ko eh. Assuming much.XD. Yan tuloy disappointed ngayon. Haha.

"Ahh..iho pasensya na kung napagkamalan kitang boyfirend ng anak ko ah. Spencer pala ang pangalan mo" sabi ni mama.

"Ok lang po Tita" sabi naman niya.

"Siguro manliligaw ka pa lang niya noh?" sabi ni mama. Ay naku talaga>.<

"Hindi rin ma!" sagot ko agad.

"Ang totoo po. Ayun po talaga ang balak ko. Ang ligawan po siya"

O.O

Loading...

Loading...

Loading...

Ano daw? Tama ba yung narinig ko.

Si mama grabe makangiti ah. Wagas. Parang mas kinikilig pa saken.

Tumingin ako kay Spencer. Napatingin din siya saken at binigyan ko na naman siya ng 'ano pinagsasabi mo look'

"Ayun naman pala eh. Naku anak wag ka na choosy ah. Kung ako sayo sasagutin ko agad yang si Spencer. Aba ang gwapo na mukang mabait pa" sabi ni mama. Ano ba yan! Nakakahiya talaga si mama. Imbis na turuan ako magpakipot muna, siya naman sige agad.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon