Chapter 23 - I Like You

181 10 6
                                    

(Tin's POV)

Natapos na din yung exams namen this week. Finally!!! Vacation na!!!XD

"Tara magcelebrate tayo! Tapos na exam naten! Tapos na tayo ng second year!!!" tuwang-tuwang sabi ni Nica. Magkakasama kami ngayon kasi pare-pareho kami ng last na inexam. Yung microeconomics namen. Maaga namen natapos ang exam dahil madali lang naman. 3:45 pa lang.

"San tayo?" sabi ni Jhen.

"Sama na lang tayo sa mga classmates naten. May inuman daw sila eh. Dun na lang tayo tumambay" sabi naman ni She.

"Ayoko dun. Hindi naman ako nag-iinom eh" sabi ni Ate An. Sila She at Jhen kasi umiinon sila. Kaming apat naman nila Nica, Hariet at Ate An hindi.

"Ayos lang yun. Apat naman tayong hindi umiinom eh. Eh di tayo ang magsama-sama dun" sabi ni Hariet.

"Ayoko mag-inom ngayon sainyo kami syempre" sabi ni Jhen.

"Wala naman akong sinabing mag-iinom tayo dun eh. Tara na kina Jhake" sabi ni She.

"Ok tara!" sabi agad ni Hariet. Jowa niya pala si Jhake.

"An isama mo na si Keith!" pang-aasar ni Nica kay Ate An. Naghiyawan na kaming lahat at inasar si Ate An. Nanliligaw na pala si Kuya Keith kay Ate An. Simula nung Wednesday. Ahaha. Kaloka tong ate ko hindi man lang shinare saken na matagal na pala silang nagtetext ni Kuya Keith XD. Kababata namen si Kuya Keith. Matagal na pala siyang may gusto kay Ate An. Eto naman kasi si Ate An puro si Roldan ang inaatupag eh.

Nagusap-usap ulit sila.

"Uy Tin bakit tahimik ka?" biglang sabi ni She.

"Ahh. Wala naman. Natutuwa nga ako sainyo eh" sabi ko na lang.

"Ano na pala Tin nangyari?" biglang tanong ni Ate An.

"Ganun pa din"

"Anong pinagsasabi niyo? Hindi na kayo nagshehare ah" sabi ni Nica.

"Puntahan mo kaya. Kausapin mo. Ako na bahala magkwento sa mga to." sabi ni Ate An.

Ayun naman talaga ang gusto ko eh ang kausapin si Ethan. Kanina ko pa nga siya hinahanap eh. Patingin-tingin ako sa paligid baka kasi dumaan siya. Sana andito pa siya sa school. Hindi ko kaya yun nakita this week. Wala akong silay. Feeling ko namimiss ko siya.

"Kung ano man yan Tin yan na ang unahin mo. Ok lang samen kung hindi ka makasama ngayon" sabi ni Jhen. Napangiti naman ako. Todo support talaga tong mga friends ko. Kaya naman labs na labs ko sila eh.

"Sige una na ko" Nagpaalam na ko sa kanila at saka hinanap si Ethan.

Lakad ako ng lakad pero hindi ko pa din siya nakita. 4 o'clock na.

Maya-maya nakita ko si Mark yung kaibigan ni Ethan.

"Mark!" tinawag ko siya.

"Nakita mo si Ethan" dugtong ko pa.

"Oo magkasama lang kami kanina nun eh" sabi niya.

"Asan na siya??"

"Hindi ko na alam eh" sabi niya. Ano ba yan>.<

"Walang kwenta!" sabi ko kay Mark. Close ko naman siya eh. AhahaXD

"Grabe ka naman" sabi niya.

"Diyan ka na nga!" sabi ko sakanya at iniwan siya.

Andito ako sa field ngayon. Ano ba yan. Nakaabot na ko dito pero hindi ko pa din siya nakita. Tawagan ko kaya siya.

Dialing

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon