Chapter 6 - Kilig^^

155 11 2
                                    

(Tin’s POV)

Hindi pa rin sila tumitigil sa pang-aasar. Nabibingi na ko sa kanila. Di sila makaget-over. Grabe! Kahit naman ako eh. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako sa nangyari. Di ko malimutan nung pinigilan ako niya ko. Ang cute niya nun grabe. Nakahawak siya sa laylayan ng tshirt ko. Gulat na gulat talaga ko nun at sobrang bumilis tibok ng puso ko.

“Kaloka ka girl! Ang ganda ng eksena niyo kanina ah! Sabi ni Nica. Andito kami sa kanila ngayon. Dito naman kami mago-overnight kahit na may pasok pa bukas. Todo kwentuhan na naman to at feeling ko ako lang itotopic nila ngayon. -­­__-

Nilabas ni Ate An yung phone niya. Nagulat ako sa nakita ko.

“Ano yan??” sabi ko.

“Malamang picture. Ang cute nga eh. Ia-upload ko nga ngayon eh” sabay kuha sa laptop niya. Dala niya nga pala yun.

“Bahala ka! I-upload mo kung gusto mo! Pero patingin muna!” binigay naman ni Ate An. Hahaha *evil smile* Binura ko nga kahit nakita kong ang cute namen dun.

“Hoy ano yan!” sabay hablot sa phone niya. “What have you done? Bakit mo dinelete? Ang ganda kaya ng kuha ko!” paiyak na siya. Nang biglang…

“Ahahaha. I knew it! I know you’ll do that. That’s why…” hinarap saken yung laptop niya. “Tenen! Back-up!”. Sabi pa ni ate An.

Yung tatlo tawanan ng tawanan parang walang tomorrow sabay pinakita saken yung mga kuha nila.

“GOSH!!!Bakit ganyan kayo!!! Pabluetooth nga!!!” XD

Ang cute namen dun eh. Tsaka ako yun ako pa ba mawawalan ng kopya. HahahahaXD

“Gusto din pala! Andame mo alam!” sabay sabay nilang sabi.

“Pero Tin be honest! What do you feel when he stopped you from walking out?” sabi ni She.

“Uhmm…Kinilig syempre!” sabi ko. Kinilig talaga ko.

Tawanan na naman at nang-asar na naman sila.

“Improving ah! Sige kayo na!” sabi ni Nica.

“Sabi niyo nung nakaraan nung kinwento ko si Spencer sainyo kalimutan ko na si Ethan. Tapos ngayon siya na ulit gusto niyo. Ang gulo niyo naman eh!” sabi ko >.<

“Hindi yon magulo Tin. Ikaw lang nagpapagulo. Isipin mo iba na ngayon nagpakita na siya ng signs na pwedeng gusto ka na din niya. He finally realized that he’s falling for you.” sabi ni Jhen.

“Pano naman kayo nakasigurado don? Ayoko na umasa!” sabi ko.

“Ngayon ka pa ba susuko? Ngayon na crush ka na din ng crush mo?” sabi ulit ni Jhen.

Makasabi naman to si Jhen parang nanliligaw naman ako. Bakit kasi kung kelan napagpasyahan ko na siyang hindi icrush eh tsaka naman niya ko pinakilig. Kung siya nga ang para saken panu naman si Spencer? Dapat Lord hindi mo na lang pinafeel saken na pwedeng si Spencer nga ang soulmate ko. At bakit kasi pagnakikita ko si Spencer pansamantala kong nalilimutan si Ethan? Ang gulo!!!Umaariba ang crushlife ko ah! Ang colorful! Bahala na nga!

Sa wakas inantok din sila. Natulog na kami.

Kinabukasan…

“Tita una na po kami! Thank you po!”

“Bye Nica. Kita-kits maya” sabi namin kay Nica at tsaka umalis. 7:30 am na. Maaga kami umalis kasi magpeprepare pa kami for the play. Usapan namin ng group ko 9am sa skul. Nagkanya-kanya na kami ng uwi syempre kami ni ate An magkasama.

Nakauwi din kami. Walang tao sa bahay. Pumasok na si Ate Em. Dumiretso na ko sa room ko para makaligo at makapag-ayos na.

After ko maligo I checked my phone.

One message received

From: Hariet

(Girl ikaw ah! Hindi ka na nagsheshare ah! Tampo ko!)

Nagulat ako sa text niya. Anong ibig niyang sabihin? Wag mo sabihing…

Tinawagan ko si Hariet.

“Hello Hariet? Anong sinasabi mo?”

(Sige deny pa! Kunwari pang di alam eh!)

“Ang alin nga?”

(Ano pa ba! Eh di yung inyo ni Ethan!)

“What do you mean? Alam mo na yung kahapon?”

(Of course yes! Trending kayo sa school pano ba naman may picture kayo dito sa school bulletin entitled “New Couple of the Year” hahahaha! Ang haba ng hair mo teh! Abot dito! Hahaha)

“WHAT???” gulat na gulat ako sa narinig ko. Grabe gustong-guto ko na talaga pumunta sa school ngayon para malaman kung totoo nga yun.

A/N: hanggang dito muna ang update..thanks sa mga nagbabasa:)

comment naman kau kung nagustuhan niyo...hehehe

goodnight:)

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon