Chapter 18 - Stories behind every song^^

140 9 1
                                    

(Tin's POV)

"Hello. Napatawag ka" si Spencer yung tumawag.

(Ayaw mo ba?)

"Hindi ah! Ano ka ba. Haha"

(Nakauwi ka na ba?)

"Oo kanina pa"

(Ahh..masaya ba?)

"Ahh oo. Masaya naman. Bakit mo naman natanong?"

(Wala lang. Gusto ko masaya ka din kapag tayo naman yung lumabas)

"Ahaha. Oo naman. Sigurado yun"

(Kelan pala tayo lalabas?)

"Kung okay lang sana sayo wag muna bukas. Uuwi kasi ako kina mama bukas sa Antipolo eh"

(Ahh ganun ba? Gusto mo ihatid na lang kita?)

"May kotse ka?"

(Oo naman. Ano? Hatid na kita)

"Nakakahiya naman sayo tsaka pala kasama ko kasi si Ate An eh. Maingay yun"

(Ok lang yun)

"Sure ka?"

(Oo naman)

"Sige. Sabi mo yan ha" yes makakatipid sa pamasahe. May kotse naman si Ate Em kaso hindi naman ako marunong magdrive at isa pa wala din akong driver's license.

(Sige hintayin niyo na lang ako bukas sainyo)

"Alam mo ba samen?"

(Hindi)

"Ahahaha. Sige itetext ko na lang mamaya yung address namen"

(Sige matulog ka na)

"Ikaw din"

(Goodnight)

"Goodnight din"

Inend na niya yung call.

Tinext ko naman agad sakanya yung address namen. Tinext ko din si Ate An na agahan yung pag-uwi niya bukas para makasama siya saken pag-uwi. Sinabi ko din na ihahatid nga kami ni Spencer.

One message received

From: Ate An

(Tin ndi aq mkksma 2m eh..may tntpos pa kc qng project..finals q s HBO namen..pkisv kay mama miss q n cla n papa..tnx..enjoy ka 2m^^...goodnight sis^^)

"Ano ba yan ako lang pala mag-isa bukas"

Makatulog na nga, maaga pa ko bukas. Baka maagang dumating si Spencer. For sure maaga-aga yun pupunta. Baka kasi matraffic kami bukas kapag mga 9am pa kami umalis.

-----------------------------------------------

Nagising ako sa alarm clock ko 6:30 na.

Tiningnan ko yung phone ko. May nagtext..

From:Soulmate

(gudmorning tin..8 aq pnta jan ah)

Pagkabasa ko nun nag-ayos na ko. Naghanda na ko ng susuotin ko at tsaka naligo.

Alam na ni Ate Em na pupunta ko kina mama ngayon. Hindi ko na siya ginising. Ang sarap din kasi ng tulog niya. Ako na lang ang naghanda ng kakainin ko.

Time check 7:50 na...

Padating na sigro yun si Spencer.

Maya-maya...

**Beep Beep**

May bumusina. Siya na siguro yun. Binuksan ko na yung pinto at nakita ko siya agad. Nakangiti siya. Grabe naman sa gwapo tong lalaking to. Napangiti din tuloy ako.

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon