Chapter 16 - Enchanted City Part 2

186 10 4
                                    

(Tin’s POV)

Ang ganda dito. Marami-rami din yung rides at may kung anu-anong games. Parang Amusement park na may halong pagka-World of Fun.

Sumakay kami ng iba’t-ibang rides. Bawat rides na sakyan namen pinapaprint niya yung pictures, yung kuha habang nakasakay kame kahit parang ewan lang yung itsura namen. Yung iba nga ngangang nganga ko eh.

“Nasakyan na ba naten lahat? Mag games naman tayo” tanong ko kay Ethan.

“May sasakyan pa tayo” sabi niya at naglakad na.

Sumunod naman ako.

Maya-maya tumigil din siya sa paglalakad.

Pagtingin ko nasa tapat kami ng…

“Horror house?” sabi ko.

“Tara na” sabi niya.

“Sige ikaw na lang!” sabi ko.

“Natatakot ka ba?” tanong niya.

“H-Hindi ah! Ako pa!”

“Yun naman pala eh. Tara na” sabi niya. Sabay hinatak na ko sa loob.

OMG! Kinakabahan ako. Nasa unahan pa lang kami natatakot na ko. Ang dilim!>.<

“Ang lamig ng kamay mo” sabi niya.

“…”

Tumuloy naman siya ng lakad.

Nakapikit lang ako. Nasa likod ako ni Ethan, nakahawak pa rin siya saken. May naririnig akong mga kalabog. Nakapikit lang ako habang sumusunod kay Ethan. Baka kapag dumilat ako mapasigaw ako. Nakakahiya>.<

“Dumilat ka. Hindi mo maeenjoy kapag nakapikit ka” narinig kong sabi niya.

Unti-unti naman akong dumilat.

O__O

“Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!” napasigaw ako sa nakita ko. Pano ba naman may biglang lumipad dun sa taas namen. Parang white lady na ewan. Di ko na masyado nakita kasi napapikit na ko eh.

“Ahahahahahahaha” si Ethan tawa ng tawa. Nakakahiya ako>.<

“Grabe ka makatili! Nakakabingi ka. Akala ko ba hindi ka takot?” sabi niya pa.

“H-Hindi naman talaga eh!” sabi ko.

“Ok sabi mo eh” sabi niya. Natatawa pa din siya.

“A-ano…mahaba pa ba to?” tanong ko.

“Medyo ata” sabi naman niya. Naglakad na siya. Syempre sumunod naman ako agad. Takot ko lang noh!

Gaano naman kahaba yung medyo niya. Oo na lang sakanya.

Katulad kanina pinipigilan ko pa din ang mapatili pero may mga times na hindi ko talaga napipigilan. Eh sa nakakagulat eh>.<

Maya-maya nakalabas na din kami. Pawis na pawis ako grabe.

Pinagpawisan ako sa takot. Nakakahiya>.<

“Pawis na pawis ka diyan?” sabi niya.

“Ang init kaya” palusot ko. Tumawa naman siya.

Naglakad na ko baka asarin pa niya ko eh. Teka nga anong oras na ba? Nagugutom na ko. Pagtingin ko 3pm na pala. Humarap ako sakanya.

“Di pa tayo naglulunch” sabi ko

“Kanina ko pa kaya yun sinasabi di mo naman ako pinapakinggan eh enjoy na enjoy ka kasi sa rides” sabi niya.

“Ganun ba? Eh di kumain na tayo. Nagugutom na ko”

2 is better than 1?!! (one heart for two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon