01 | Sierra
Sobrang daming requirements, grabe naman to. Ngayon pa naman na may sakit si mama tapos andami ko pang gastusin sa projects, bakit ba kasi ang hirap ng buhay lalo na wala akong papa.
"Sierra, tito Anthony wanted to see you. He's in Solana's classroom." sabi ni Erica, isa sa mga ka-klase ko. Oo, mga englishera ang mga to ang yayaman rin kasi eh. Kung hindi businessman ang mga magulang, yung iba, anak ng mga artista o kaya pagmamay-ari yung mga resort at iba pa.
"I'll be there, thank you." syempre mag-eenglish rin ako, di kasi yun nakakaintindi ng tagalog. Nasanay na akong mag-english pag nasa school dahil sa teachers at mga ka-klase ko. Pumunta ako sa kabilang gusali kung saan matatagpuan ang classroom nina Solana, pagdating ko dun nakita ko si Sir Anthony Pangilinan.
Sina Sir Anthony kasama nung asawa niya na dating artista na si Ma'am Maricel Laxa yung nagpapa-aral sa'kin dito sa Brent International School Manila. Isa akong sa mga scholar na nabigyan ng pag-asa na makapag-aral sa magandang paaralan na ito. Hindi talaga sana ako mag-aaral ng high school dahil nga ang hirap ng buhay. Pero nung nalaman ko na may scholarship silang ibibigay sa mga katulad ko, hindi ako nagdalawang-isip na humingi ng tulong. Kaya yun, simula nung nag-middle school na ako, sila yung nagpaaral sa'kin dito at nagbibigay din sila ng allowance.
Allowance na sapat na para sa mga requirements ko tapos yung tira naman binibili ko ng pagkain para sa bahay. Ako nalang kasi yung maaasahan ni mama, lalo't may kapatid pa akong babae.
"Magandang hapon po sir Anthony," sabi ko habang kinumusta ko siya. "Magandang hapon din sayo, Sierra. Kamusta naman ang pag-aaral mo?" ganyan talaga sya palagi, pag-aaral yung tinatanong. Ayaw niya kasi yung mga nagbubulakbol, syempre naman di ko sasayangin ang pagkakataong ito.
"Okay naman po, ano po yung maipaglilingkod ko?" ngumiti ako ng konti at napatanong, "You know my son right? Donny? I think you are classmates with him." tanong nya parang pinapaalala nya yung anak nya.
Tumango ako at sumagot, "Opo, ka-klase ko po sya sa ibang subjects." Tumango sya na parang "mabuti" natatakot ako ano ba. Di ko makakalimutan si Donny, natatandaan kong pinahiya nya ako nung first day ko dito. Sabi nya sa buong klase na iniwan daw kami ni papa dahil di daw kami mahal. Syempre, sobrang sakit nun tapos ang bata pa namin nun, thirteen siguro ako nun.
Dahil dun, iniwasan ko na yung mokong na yun para iwas gulo at nag-focus nalang ako sa pag-aaral.
"Hihingi sana ako ng pabor galing sayo kung okay lang," huminto sya sandali at nagpatuloy. "Donny has three consecutive fails from his exams, I don't know what to do with him. He has been disctracted at the moment and I need your help to get him back on track."
Hala anu na? Mag-tututor ako sa mokong na yun. Magdadalawang-isip talaga siguro ako nito, kinakabahan ako at natatakot kung anong kalokohan ang gawin nya. Tapos nagpapart-time job pa ako sa isang coffee shop pagkatapos ko sa school. Nag-eextra rin ako sa library bilang student assistant ng librarian at nagtututor rin ako sa ilang ka-klase ko pag may quiz.
"Eh sir... Di pa kasi ako su-" nagsalita bigla si sir Anthony, "Don't worry, I will pay you naman. This is not included to your allowance." mukhang di na ako magdadalawang-isip kasi rin, 1. Sobrang dami na ng naitulong ng pamilya nila sa amin. 2. Nakakahiya naman pagtumanggi ako 3. Face my fears kumbaga.
"Sige po sir, papayag po ako." huminga ako ng malalim at nakita kong ngumiti si sir Anthony, "Thank you talaga hija, kung pwede every afternoon after all your classes sa library nalang. Simula bukas at sasabihan ko nalang si Donny."
"Okay po," tumango ako at nagpaalam kay sir Anthony at bumalik ako sa classroom at niligpit ko yung mga gamit ko. Dismissal na pala, kailangan ko ng pumunta sa coffee shop may trabaho pa ako ngayon. Simula nung nag-sixteen ako, naghanap na ako ng part-time job para makatulong kay mama. Alam kong nahihirapan na si mama sa pagtatrabaho lalo't may sakit sya ngayon.
Sumukay ako sa bike ko at nagpedal papunta sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho, hindi naman sya masyadong malayo sa school at sa bahay namin. Pagdating ko, bumihis ako sa uniporme ko at nagsimula ng magtrabaho. Simula five ng hapon hanggang ten ng gabi yung trabaho ko sa coffee shop.
Sobrang hirap ng buhay pero kakayanin, tapos kailangan ko pang mag-aral at gumawa ng mga takdang-aralin na kailangan i-submit sa susunod na araw. Minsan, aabutin ako ng madaling araw sa pag-aaral para sa mga quiz.
"Excuse me ma'am, liligpitin ko lang po ito." ngumiti ako ng kaunti, lumingon yung isang babae sa'kin habang naglilinis ako sa mesa nila. Shoot, it's Hannah Pangilinan. Ang awkward kasi mga schoolmate ko pala sila, kasama niya yung mga kaibigan niya na palagi niyang kasama sa school.
"Sierra?" ngumiti sya parang dimakapaniwala sa nakikita nya, "Hi ma'am Hannah at sa inyo rin." natapos ko ng ligpitin yung kalat sa mesa nila, "Don't call me ma'am, Hannah nalang." ngumiti sya yung genuine talaga walang halong plastic.
"You're working here pala," yung singkit na babae, Jaimee ata yung name nya. Tumango ako kahiya grabe, "How are you?" tanong ni Hannah. "Okay naman, kayo? Kamusta kayo?"
"We're good," sumagot yung mistisa na katabi ni Hannah, "Ah, sige alis na ako. Andami ko pang gagawin." yumuko lang ako at umalis.
Kung iisipin mo, sobrang sosyal yung mga nag-aaral sa BISM. Ang yayaman nila at kaya nilang bilhin lahat ng gusto nila, na-eenjoy nila yung teenage life nila... Habang ako naman, kailangan kong isipin si mama at si Gabby yung kapatid ko.
Bago ako umuwi, kinuha ko muna yung sweldo ko para sa linggong ito. Tinignan ko yung perang nakuha ko, 525 php. Sapat nato atleast may kinita ako kaysa sa wala. Pumunta muna ako sa isang kainan at bumili ng ulam at bumili na rin ako ng bigas, bumili rin ako ng gamot para sa lagnat ni mama.
"Ate!!!" tumalon si Gabby at tumakbo papunta sa'kin, tinulungan niya ako sa mga dala ko. Hinanda ko yung mesa at kumain na si Gabby, "Ma, kain na po at binili ko na rin yung gamot mo." inabot ko yung gamot sa tabi ng higaan nya.
"Salamat anak, pero kailangan mo ng pera para sa damit sa prom niyo." concern talaga ni mama yung damit ko para sa prom, eh medyo matagal pa naman yun, sila muna yung uunahin ko. Oo, nagsimula akong mag-ipon para sa prom nung Junior kasi once mo lang kasing maranasan ang prom eh pero mukhang good bye prom nalang talaga ito.
"Okay lang ma, may naipon naman ako eh tapos di pa nga ako sigurado kung sasali ako dahil magastos rin." hinawakan ko kamay ni mama tapos tuloy kaming kumain. "Pero diba, pangarap mo talagang makapunta?"
"Oo pero mas importante kayo ni Gabby," sagot ko habang tinignan kong natutulog ng mahimbing si Gabby. Tinignan ko si mama habang ngumingiti sa'kin. Magiging okay rin lahat. Naipatulog ko na rin si mama, naglinis ako sa bahay at gumawa ng project ko na due next week. Nakatulog ako ng ala una ng umaga, hays natapos rin ang araw ko.
▫▫▫
medyo na nose bleed ako habang nagsusulat hahaha alam niyo naman siguro hindi ako tagalog but yes hahaha i challenged myself writing more tagalog. yayy but magtataglish nalang rin ako hahaha. hope you guys enjoyed the first chapter!!! i'm kind of excited about this book 💕
don't forget to vote and comment! also add this book to your library to be updated whenever i update a new chapter hehe :)-kezia
BINABASA MO ANG
tutor • donny pangilinan
Fanfiction"Pag hindi sya magpakita in two minutes, aalis na talaga ako." sabi ko sa sarili ko. Dumaan yung two minutes. That's it. I stood up from my chair but I felt soft and warm hands holding my shoulders and pulled me down back to my chair. "Leaving so so...