Introduction

4.1K 71 16
                                    

Ikaw ba ay nalulungkot dahil may mga nais kang gawin sa buhay mo, ngunit hirap ka naman gawin ang mga ito? Una, dahil hindi mo alam kung paano. Pangalawa, dahil sa mga kahinaang nakikita mo sa iyong sarili. Kadalasan tuloy ay napag-iiwanan ka ng iyong mga kasamahan at naghihintay na lang sa tulong o awa ng iba. Kung ganoon, tamang-tama ang libro na ito para sa iyo.

Nilalang ka ng Diyos sa kakilakilabot at kagilagilas na paraan (Psalm 139:14), kaya walang sinuman ang puwedeng magmaliit sa iyo, kahit na nga ang iyong sarili. Binigyan ka Niya ng mga kakayahan upang magampanan ang mga tungkulin dito sa mundo ayon sa Kaniyang ikaluluwalhati. Habang may panahon pa, diskubrihin mo ang natatago mong kakayahan at gamitin mo ito sa iyong ikabubuti at sa mabuting paraan. Iyan ang layunin ng aklat na ito.


___

Author's Note:

Ako po ay isang Kristiyano, at naniniwala rin po ako sa Siyensiya. Ang mga mababasa niyo rito ay mga kaalamang natutunan ko sa mga nabasa kong mga libro, mga napanood, sa pagba-browse ko dito sa internet, sa aking pinag-aralan, at ang iba ay base sa aking mga karanasan at obserbasyon. Hindi ko po pag-aari ang lahat ng mga kaalamang ito kaya maaari niyo po itong kopyahin at ipamahagi.

Maraming salamat at Dios mabalos!

Ella "BalatSibuyas" Maristela


Psychological and Life HacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon