Mga simple at madaling karunungan na dapat mong malaman. Gamitin sa kabutihan, huwag sa kalokohan lalo na sa kasamaan.
...be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves. - Matthew 10:16
Kung may gusto kang makuhang mahalagang impormasyon sa isang tao, pero sa tantiya mo ay tagilid ang lagay mo, anong gagawin mo ng walang kahirap-hirap?
Here's how. Chikahin mo muna siya hanggang sa napasarap na siya nang kuwento, saka mo siya tanungin. Kapag nag-alangan siyang sumagot, tingnan mo lang siya. Yup! Don't say a word and let the person talk. Tingnan mo siya na para bang sinasabi ma na, "OK, go on..." Bigyan mo siya ng ilang sandali.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tapos sasabihin niya sa iyo, "Sige na nga, sasabihin ko na, pero atin-atin lang 'to, ha?"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gumagana ito sa mga makakati ang dila. At bakit? Pag nagpakita ka kasi ng interes ay lalo ka nilang i-hu-hook. Baka nga humingi pa sila ng lagay. Pero kung deadma ka lang, kusa na lang silang magkukuwento. Sa mga tahimik at masikretong tao, sorry ka na lang, dies porsyento lang ang tsansa mong makukuha ang ninanais mong impormasyon.
Speaking of mga tsismosa, mag-ingat ka sa mga iyan. Itsitsimis nila ang mga tao nana sa paligid niyo. Kung ayaw mong itsimis ka rin sa iba, iwasan mo na lang ang tsismis nila. Very common ito sa workplace, sa school, di lang sa kanto. Pati pa nga sa simbahan, meron din. Ewan ko ba, ba't pati ako minsan ay napapa-tsismis din? Minsan lang.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tandaan natin na ang pagtsitsimis o ang pagkakalat ng mga lihim ng ibang tao o ang pag-usapan ang buhay ng may buhay ay maling gawain. Real man yan o fake news 'yan. Naku, kung may mga kaibigan kang tsismosa, mag-iingat ka dahil pati ikaw ay itsinitsismis din niyan. Frenemies yan, for sure!
Kapag napasabak ka naman sa mainit na argumento at tiyak na hindi magpapatalo ang iyong ka-duwelo, you better shut your mouth immediately. Sabihin mo na lang na, "OK, panalo ka." Tapos ang usapan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.