May kausap ka, let's say yong boss mo o yong parent ng jowa mo, or mismong jowa mo, pero bored na bored ka na dahil siya lang ang nagsasalita. Hindi mo naman siya puwedeng iwanan, dahil ayaw mong maging rude, anong gagawin mo para maalis ang boredom mo?
Kung pagod ka na nang ka-na-nod at sumakit na rin ang leeg mo, try mo to. Habang nagkukuwento ang kausap mo, tingnan mo yong mukha niya, and explore his or her face as if nag-do-drawing ka. Huwag mo namang pintasan kung may makita kakaintasan. Bad yon!
If that didn't work, here's another one. Habang nagkukuwento si bossing, kunyari sa ulo niya may telon at nanonod ka ng sine. At ang pinapanood mo ay yong kinuwento niya. Ayos, di ba? Tapos siya ang bida! Sige na nga, ikaw na!
----
Like this hack? Say thank you sa comment box. Or vote, mas madali pa.
BINABASA MO ANG
Psychological and Life Hacks
RandomMga simple at madaling karunungan na dapat mong malaman. Gamitin sa kabutihan, huwag sa kalokohan lalo na sa kasamaan. ...be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves. - Matthew 10:16