Si Sim o Si Em?

960 23 4
                                    

Anong gagawin mo sa mga taong may pinagdadaanang matindi? Let's say, namatayan sila, o kaya ay may matinding sakit ang kaibigan mo?

The best way you can do to your grieving friends is to empathize with them. What does it mean by that? Empathy is putting your place in their shoes. Iba siya sa sympathy which is just an awareness of what they are feeling at the moment. In sympathy, alam mo lang ang pinagdadaanan nila, but you haven't been in their situation.

When we haven't experience their pain what we usually do is to sympathize with them. We feel sorry or sad for a loss or a crisis. Dito tayo madalas sumasablay dahil sa maling approach natin sa kino-comfort nating mga kaibigan. Madalas natin kasing sabihin na nalulungkot tayo sa mga pinagdadaanan nila, na makakarecover din sila at kung anu-ano pa ang binibigay nating advice. Ang hindi natin alam ay mas nakakasakit pa pala tayo kahit na nga wala tayong intensiyong manakit.

So how do we empathize? Madaling mag-empathize kung naranasan mo na ang pinagdaanan nila. Sasabihin mo lang sa kanila na "I feel your pain because I also lost a loved ones. If you need to talk to someone, I'm just right here to listen." Ito lang ay sapat na. Ngunit paano kung hindi mo pa napagdaanan ang sakit na nararamdaman niya. Sabihin mo lang sa kaniya na, "If I were in your place, I will feel the same way." Sabihin mo rin na handa ka ring makinig sa kaibigan mo. It's important to people who are suffering to encourage verbalizing their feelings. Meaning, i-encourage mo siyang ilabas anuman ang nararamdaman niya. Kung galit siya, o naiiyak siya, hayaan mo lang siyang ilabas ang mga ito. Nakakagaang kasi ng kalooban ang pagsasabi ng tunay na saloobin.

Warning: Don't be judgmental in this phase of their life. Huwag mo ring sabihin, "Kaya ka siguro nagkasakit ay dahil sa paninigarilyo mo." Hindi iyon ang panahon para manisi ka pa. Bad yan!

I hope this simple hack will help you lalo na in times of crisis.

___

May natutunan ka ba? Please share this to your friends.

Psychological and Life HacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon