Por Pabor

896 26 0
                                    

Anong gagawin mo kung may hihingiin kang pabor sa isang tao?

Base sa pag-aaral, kung gusto mong makahingi ng pabor sa isang tao, nakakatulong ang pagbigay ng isang maliit na bagay, parang token, bago ka lumapit sa taong hihingian mo ng pabor.

May isang experimentong ginawa sa isang restaurant. Bago pa umorder ang customer ay nagbigay muna ng isang candy ang waiter. Dahil dito, nakakuha ang waiter nang mataas na tip at dumoble pa ito sa mga customers na binalikan niya at binigyan niya ulit ng candy. The more you give, the more you receive, ika nga.

Kaya kung may hihingiin kang pabor, halimbawa ay magsu-solicit kayo ng mga kaibigan mo, magbigay muna kayo ng isang item, tulad ng bulaklak o biskwit, or anything. Sa ganitong paraan ay makukuha mo ang loob nila. Reciprocity ang tawag dito.

Warning my friend, huwag na huwag mo itong gagawin sa ahensiya ng gobyerno o sa teacher mo, dahil ang tawag dito ay bribery.

Pinagpapala naman ng Diyos ang mga taong marunong mamahagi ng pagpapalang kanilang nakamit. Sila ang ginagawang sisidlan ng pagpapala ng Diyos, kaya hayun, lalo silang yumayaman. Hindi kasama dito ang mga filthy rich at ang mga yamang galing sa nakaw. But imagine the philanthropist, na lalong yumayaman dahil sa mga charity at foundation nila, tulad nila Bill Gates, George Cloney, Angelina Joley, and many more. Galing 'no?

Napansin ko, kumpara sa mga taong mapagbigay, ang mga taong mararamot aykaraniwang  malulungkot. Napansin mo rin ba? Huwag ka ring bigay nang bigay masabi lang na mayaman ka, baka lalo ka lang mamulubi niyan.

Kaya nga, ang dalangin ko ay sana yumaman ka. Pag nangyari iyon, balato naman diyan! Joke lang. Give something to the needy. Alalahanin mo na lahat ng bagay na nakamtan mo ay bigay lamang iyan ng Diyos sa iyo at anumang oras ay puwede Niya iyang bawiin. Ok?

Psychological and Life HacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon