Por Pabor

1K 22 1
                                    

Lagi bang denied ang mga hinihingi mong pabor to anyone else? Siguro mahina ang convincing powers mo. Here's a psycho hack that might works for you in case you want to convince people or you want to ask a favor.

Simple lang ang gagawin mo. Una, hingiin mo yong pinakamahirap o yong pinaka-imposible hihingiin mong pabor o utos. Pag tumanggi, tawaran mo. Pag tumanggi ulit, babaan mo pa yong tawad hanggang sa umuo siya sa iyo.

Halimbawa na lang ay uutang ka ng 2K sa kaibigan mo. Sabihin mo na uutang ka ng 10k, pag tumanggi siya, sabihin mo na kahit 5k na lang, pag di pa rin, sabihin mo na kahit 3k. At pag di pa rin umobra sabihin mo kahit 2k na lang with paawa effect.

Puwede rin ito pag may iuutos ka. Kunwari paglilinisin mo ng kuwarto ang kapatid mo na tatamad-tamad. Una paglinisin mo ng banyo. Malamang aayaw yan. Sabihin mo na sa kusina na lang. Tatanggi ulit yan. Sa sala na lang kaya. Hindi pa rin yan papayag. E sa kuwarto na lang kaya niya. Mapipilitan na yang umuo sa kakulitan mo.

Gets mo?

Another hack is to tell you reason. Just say the magic word "because". Paano ba ito?

Let us say nakapila ka sa ATM tapos may isa o dalawa na lang bago ikaw. Hindi ka na makapaghintay. Makiusap ka sa dalawa na kung puwede mauna ka na kasi may inuutos pa sa iyo ang boss mo at baka mapagalitan ka. Just give them a valid reason and don't forget the magic word because!

Ayan, marunong ka nang humingi ng pabor at umutang. Huwag mo namang kalimutang magpasalamat o magbayad, kung gusto mo pang makaulit.

 Huwag mo namang kalimutang magpasalamat o magbayad, kung gusto mo pang makaulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Happy convincing!

Psychological and Life HacksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon