Mga simple at madaling karunungan na dapat mong malaman. Gamitin sa kabutihan, huwag sa kalokohan lalo na sa kasamaan.
...be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves. - Matthew 10:16
Paano mo sisingilin ang taong mukhang wala ng planog magbayad ng utang niya sa iyo?
Kung ikaw ang inutanngan, karapatan mo ang maningil. Walang mali doon. Siguraduhin mo lang na wala ka ring pagkakautang sa sinisingil mo.
Here are some tips kung paano ka maniningil sa mga nagkakautang sa iyo, effortlessly.
1. Kumustahin mo siya at kausapin mo nang malumanay. Noong umutang siya sa iyo, siyempre sinabi niya kung para saan ang inutang niyang pera. Kung sakaling nangutang siya para sa aso niyang nagkasakit at na-ospital, tanungin mo kung nakalabas na ba ng ospital si Bantay. Tapos i-remind mo na siya, na kung ok na si Bantay, puwede na ba siyang magbayad sa iyo. Kung hindi pa, tanungin mo kung kailan. Be nice, baka namatay pala si Bantay.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
2. Magpa-libre ka sa kaniya. Kumain kayo sa labas sabihin mo muna na KKB kayo. Kapag mag babayad na, magkunwari ka na naalaala mo nga pala na may utang siya sa iyo o kaya wala ka pa lang dalang pera at ibawas na lang niya ang ibinayad niya sa inutang niya sa iyo. O kaya mag-shopping kayo o manood kayo ng sine, tapos siya ang pagbayarin mo. Kung share kayo naman kayo ng renta sa apartment, o bills mg tubig, o kuryente o internet, siya na muna ang pagbayarin mo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
3. Utangan mo rin siya. Sabihin mo, manganganak na yong alaga mong si Muning at kailangan mo ng pambayad nang pang-cs nito kasi napaka-dalicate ng Siamese mong pusa at first time nitong manganganak. Siguro naman ay maaawa siya sa iyo dahil alam niya kung gaamo mo kamahal ang imported mong pusa. Kung hindi siya maawa sa iyo, kunsensiyahin mo. Sabihin mo noong nangungutang siya sa iyo, nagmakaawa siya, tapos ngayon ikaw naman ang nangangailangan, dapat lang na siya naman ang maawa sa iyo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
4. Abangan mo na siya sa payday niya. Bago niya magastos sa pagsha-shopping o maubos ang pera niya sa paghahapi-happy, puntahan mo na siya sa bahay o opisina nila o kung saan mang lupalop siya nandoon basta kaya mong puntahan. Kung magkasama kayo sa trabaho at naka-ATM kayo, samahan mo na siyang mag-withdraw. Kung hindi naman, tawagan mo o i-text mo o i-Fb mo na siya a day before their payday at puntahan at saka mo singilin. Siguraduhin mo lang na alam mo kung saan nagwo-work si beshy-no-more mo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
5. Last but not the least, i-remind mo ang sarili mo kasi baka ikaw mismo ang nakalimot sa mga may utang sa iyo. Sa dami kasi ng may utang sa iyo ay hindi mo na alam kung sino ang bayad na, at kung sino ang hindi pa. Mamaya niyan sinisingil mo pala yong nagbayad na sa iyo. You better have a list para sigurado ka. Ilagay mo na rin sa cellphone calendar mo kung kailan mo balak maningil para maremind mo ang sarili mo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kung hopeless ka na talaga sa paniningil, huwag ka nang manghinayang sa perang pinautang mo, dahil pinagpapala ng Diyos ang nagpapautang kaysa ang nangungutang. Huwag mo nang panggigilan ang mga taong may pagkakautang sa iyo dahil si God na ang magbabayad sa utang nila.