Paano mo malalaman kung ang isang tao ay tulog o nagtutulug-tulogan? Alam naman natin na sadiyang napakahirap gisingin ng taong nagtutulug-tulogan.
1. Kunin mo yong isa niyang kamay at itaas mo nang kaunti. Pag tulog yan medyo mabigat ang kamay niyan dahil relax ang muscles, pero paggising yan magaang yan. Pag natapat mo na sa mukha niya, bitawan mo na. Pag bumagsak yan sa mukha niya, tulog talaga yan. Kapag gising na yan, hindi niya yan papabagsakin sa mukha niya. Actually, ginagawa ito ng mga duktor sa mga pasyente nila to test their consciousness.
2. Kumuha ka ng buhok o papel at ilahid mo sa mukha niya lalo na sa ilong. Siyempre mangangati siya o makikiliti. Kapag tulog yan, kakamutin niya yan. Paggising na yan, titiisin niya para hindi siya mahalatang gising. Unless alam na niya ang hack na ito.
3. Ang tulog ay hindi lumulunok. Kumuha ka ng pagkain na puwede siyang maglaway o kaya magmention ka ng masarap na pagkain tapos ay inggitin mo. Tiyak maglalaway yan nang grabe tapos lulunok. Kapag lumunok, alam na!
4. Tingnan mo yong pattern ng breathing niya. Usually, irregular ang breathing ng tulog. Mahaba ba ang inhalation o ang exhalation? May pause ba in between? Kung irregular nga, tulog yan. Kapag halos pantay lang. Alam na! Puwede mo rin siyang pulsohan, kapag mabagal ay tulog. Pag mabilis, gising na yan.
5. Kapag ginising mo at walang reaksiyon, sabihin mo na lalabas ka na. Pumunta ka sa may pintuan at isara mo, pero huwag kang lumabas. Manahimik ka lang at hintayin mo kung gumalaw siya o bumukas ang mga mata niya. Huli siya!
Kung gising na siya, huwag mo muna siyang biruin. Alalahanin mo ang kasabihang, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising! :)
Have a good sleep! Sweet dreams too and don't let the bed bugs bite!!!
BINABASA MO ANG
Psychological and Life Hacks
RandomMga simple at madaling karunungan na dapat mong malaman. Gamitin sa kabutihan, huwag sa kalokohan lalo na sa kasamaan. ...be ye therefore wise as serpents, and harmless as doves. - Matthew 10:16