004

164 29 4
                                    

004

Circe

Madaling araw palang ay sinundo na ako nila Adreana gamit ang kanilang van. Hindi si Adreana ang nagd-drive kundi si Mang Enteng, ang family driver nila.

Lima na sila sa loob ng van bago ako pumasok. Si Adreana ay katabi ni mang Enteng sa harap, iyong tatlong lalaki ay sa likod magkakatabi at kami naman ni Blaine sa gitna.

Hindi naman ako na-inform na kasama pala ang mga pinsan niya sa van. Si Cannon, na kuya niya pa nga ang tumulong na buhatin ang gamit ko since tulog na tulog 'yung dalawa pa nilang pinsan. May mga eye patch pa nga sila para takpan ang kanilang mga mata.

"Good morning, Circe!" Bati ni Adreana saka humikab. Halatang inaantok pa.

"Morning." Bati ko rin dito.

"May pinsan ako dyan, mamili ka nalang." Sabi nito kaya natawa si Mang Enteng.

"Ikaw talaga, Dea, nirereto mo ang kaibigan mo ay! Mga batang ito ay!" Sabi ni Mang Enteng na may punto pa kaya ngumiti ako.

"Okay lang po, pipili nalang ako sa kanila mamaya." Biro ko, nagtawanan kaming tatlo.

"Shh antok pa ko." maktol ni Blaine, nakapikit pa ito at mukhang mababali na ang leeg kakasandal sa bintana kaya sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko.

Pinaandar na ni Mang Enteng ang sasakyan na lulan kami papunta sa aming destinasyon.

It's been a week after ng incident ni Adreana at natatawa parin ako sa tuwing naalala ko iyon. Luckily, nakarecover naman agad siya. 'Di naman kasi gaanong malala dahil di naman gaanong malakas ang bato ng bola sa kanya. Dumugo lang ang ilong niya at kung sinuswerte nga naman. Si Aldridge pa ang nakabato ng bola!

"Kumusta ang ilong mo?" Tanong ko kay Adreana, natatawa siyang lumingon sakin,

"Ayos naman, feeling ko nga napango ako ng slight," Aniya, I chuckled.

"Eh yung utak mo, di naman ba napano?" Natatawa kong sabi. Naiiling siyang tumalikod muli. At dahil kulang rin ako sa tulog ay pumikit na ako at napagdesisyunan ko nang matulog.

•••

"Ay palakang butiki!" Napabalikwas ako nang may umihip sa tenga ko.

Sinamaan ko ito ng tingin nang makitang si Adreana pala iyon at si Blaine! Tumatawa pa sila habang nakaturo sa akin kaya sinipa ko sila ng pabiro.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng van, wala na pala ang mga kasama namin, maging si Mang Enteng ay nakalabas na rin ng Van.

"Nadala na ng mga pinsan ko 'yung gamit natin kaya no worries. Bubuhatin ka pa nga sana nila kaso sabi ko 'wag na. Baka kasi magwala ka pag nagising kang buhat nila," Sabi ni Blaine kaya hinampas ko ito sa balikat.

"Tara na nga." Yaya ni Adreana, bumaba na ko sa van at sinara ito. Nauunang naglalakad si Adreana habang kami naman ni Blaine ay sumusunod sa kanya.

Pagkapasok palang namin ay napakarami na agad ng sasalubong sa amin na mga tao. Napakalawak rin ng lupain kaya siguro kung tatantsahin ay mahigit anim ang pool dito bukod pa ang kiddie pool.

Ngayon lang ako nakapunta dito kahit na matagal na kaming magkaibigan nila Adreana at masasabi kong ang ganda ganda ng lugar! Dito nalang ako titira di na ko uuwi. Bye aking family, kalimutan niyo na ko, dito nalang ako, marami pang fafa. Charot.

His Cypher || kth x bjh (SS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon